Sa digmaan ay walang panalo, ang lahat ay talo!

0
898

SA darating na Lunes, ika 9 na araw nitong buwan ng Abril, 2018, ay muli nating gugunitain ang “Araw ng Kagitingan”, dahil Ito ay isang araw ng pagdakila at pagbibigay- pugay sa mga kabayanihang ipinakita ng ating mga bayaning sundalo ng ikawalang digmaaang pandaigidig na hindi nanghinayang na ibuwis ng kanilang buhay makamit lamang muli ng ating bansa ang kalayaan laban sa pananakop ng mga dayuhang hapones.

Sa isang ordinaryong mamamaya, ang ika-9 ng Abril ng bawat taon ay isa lamang marahil na pangkaraniwang araw para sa kanila, pero para sa mga bêteranong sundalo na naging bahagi ng kasaysayang ito na nabubuhay pa hanggang sa kasalukuyan ay hindi nila maibabaon sa limot ang kanlang mga naging karanasan sa mga aninong iniwan ng mapamuksang digmaan na maitatala sa maraming kasaysayan ng lahing Pilipino.

Likas na ang katapangan at kabayanihan ng mga Pilipino at maraming ult na nila itong pinatunayan magmula pa sa unang henerasyon ng lahing kayumanggi hanggang noong ikalawang digmaang pandaigdig, kung saan isang napakalaking pinsala ang iniwan sa ating bansa; Maraming buhay ang nakalasap ng kalupitan at marami ring buhay ang nawala.

Kung iisipin hindi sapat ang mga tulong, mga programa at mga proyektong ibinigay sa atin ng bansang hapon bilang pagpapakita ng kanilang pakikipagkaibigan kung ikukumpara sa pinsalang na kanilang ginawa sa ating bansa, pero nakalulungkot na isipin na karaniwan sa mga Pilipino ay unti-unti nang nalilimot ang ating kasaysayan.

Ang paggunita natin sa araw ng kagitingan ay isang araw ng magpapa-alala sa ating mga Pilipino na walang mabuting idinudulot ang digmaan, dahil walang nananalo, ang lahat ay talo pagdating sa labanan. Maraming buhay ang nasasawi at maraming mga bagay ang apektado.

Ang araw ng kagitingan ay isa lang sa maraming mga pambansang okasyon na dapat pahalagahan ng bawat isang Pilipino, dahil ito ang palaging magpapa- alala at magtataguyod sa ginawang kabayanihan ng ating mga ninuno sa mga darating henerasyon.

Mabuhay ang mga bayaning Pilipno. Mabuhay ang bansang Pilipinas.

Maligayang paggunita sa “araw ng kagitingan.” (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here