Home Editorial Saan Huhugutin Ang Pondo Para Sa Libreng  Edukasyon?

Saan Huhugutin Ang Pondo Para Sa Libreng  Edukasyon?

459
0
SHARE

PROBLEMADO ang mga economic managers ng administrasyon  dahil sa kakulangan ng pondo para sa pagpapatibay ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Wala umanong sapat na pondo ang gobyerno para sa libreng edukasyon sa mga state universities and colleges, local universities and colleges at technical-vocational schools ng TESDA.

Pero nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang panukalang libreng edukasyon kaya obligadong hanapan ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng mapagkukunan ng pondo ang naturang batas.

Kung pag-aaalang mabuti, mayroong pondong makukuha kung magiging maayos lang ang gorbyerno sa pagbaba-budget.

Isa na rito ang inilabas na ulat ng Commission on Audit sa kanilang pagrepaso sa budget ng mga tanggapan at ahensya ng pamahalaan kada taon, napag-alaman na maraming pondo ang nasayang at hindi tama ang paggamit.

Sa Senado pa lamang ay kanila nang napuna ang overspending sa mga office supplies at equipments na hindi naman nagagamit at ang iba’y nakatiwangwang lang o luma na kaya hindi na magamit.

Kabilang din ang mga proyekto ng Department of Health na hindi naipatupad sa kabila ng pinondohan ito mula sa taunang budget ng pamahalaan.

Sa pamahalaang lokal naman ay pinuna rin ng ahensiya kung paanong ginamit ng Lalalawigan ng Bulacan ang bahagi ng pondo nito na ipinagpatayo ng 15 basketball court sa halip na unahin ang pagpapagawa ng mga silid-aralan.

Mga halimbawa pa lamang iyan kung paanong ginagamit o hindi nagagamit sa wastong paraan ng mga tanggapan o ahensya ng pamahalaang nasyunal at lokal ang kanilang budget.

araming makukuhang ideya ang mga mambabatas sa Senado at Kamara kung kanilang pag-aaralan ang mga inilalabas na report ng COA.

Malamang na dito makakuha ng mapaghuhugutang pera upang may maipangtustos para sa libreng edukasyon sa state universities and colleges, local universities and colleges at technical-vocational schools ng TESDA.

SHARE
Previous articleDemolition Job Sa Mayor Ng Pandi, Gawa Daw Ng Isang Dating Pulitiko
Next articleMenor-de-edad na nakagawa ng krimen, magulang ang dapat pagbayarin
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here