Home Simple Lang Saan nga nagsimula ang pagdiriwang ng Valentine’s Day?

Saan nga nagsimula ang pagdiriwang ng Valentine’s Day?

385
0
SHARE

ANG pagdiriwang sa Araw ng Puso o Valentine’s Day sa tuwing sumasapit ang ika-14 na araw ng buwan ng Pebrero ng bawat taon ay matagal ng hindi ipinagdiriwang sa bansang Europa, pero patuloy pa ring ginagawa sa bansang Britanya at Amerika, at maging sa ilang mga bansa na katulad ng Pilipinas. Pero sino nga ba si Saint Valentine, at bakit ipinagdiriwang ng ma-raming mga bansa ang sinasabing araw ng mga puso?

Ayon sa salin ng mga naitalang kasaysayan, nagsimula ang Valentine’s Day bilang pagdiriwang ng mga pagano na sinimulan naman ng mga Romano noong ika-apat na siglo BCE, bilang pagpaparangal kay Lupercus, ang diyosa ng kalusugan at kalipunan.

Ang kanilang pangunahing pang-akit ay ang mga ginagawang loterya na kanilang ipinamimigay sa mga kabataang lalake at babae bilang bahagi ng pag-aaliw at kasayahan hanggang sa susunod na taon ng loterya.

Bahagi ng tradisyong ginagawa noon ng mga Romano ay ang hampasin ng mga kabataang babae ng dalawang kabataang lalaki na nakasuot lamang ng damit at sapatos na yari sa balat ng kambing na pinahiran ng dugo mula sa inialay na kambing at aso.

Ang hampas ng isang ‘sagradong tsinelas ng tinatawag na “Banal na Kalalakihan” ay pinaniniwalaang magbibigay sa babae ng pagkakataong magsilang ng anak kapag ito ay nag-asawa na.

Sinikap naman ng mga Kristiyanismong paniniwala na itigil ang masamang pagdiriwang ng Lupercalia. Pinalitan nila ang loterya at isinunod sa pangalan ng mga santo upang ang susu-nod na taon ang mga kabataang kalalakihan naman ang tutularan nila ang buhay ng santo na ang pangalan ay kanilang binunot sa ginagawang loterya.

Naging matagumpay naman ang ginawang pagpapalit sa pangalan ng Lupercalia ng “Saint Valentine Day.” Nagawa ito ni Papa Gellasius noong taong 496, bilang parangal kay San Va-lentino. Subali’t umabot naman ng may limampung Valentino ang lumitaw sa kasaysayan ng Kristiyanismo, kung saan dalawa sa mga ito ay nakakahigit ang katanyagan nguni’t ang ka-nilang buhay at asal ay nababalutan ng mga katanungan at pagdududa.

Ayon naman sa isang kasaysayan ang pagdiriwang sa araw ng mga puso, ay hinango kay San Valentino na isang santo, na sinasabing umibig at nabighani sa anak na babae ng isang tao na nagpakulong sa kanya,

Dahil sa malubhang kaguluhang kinasasangkutan sa loterya, ang pamahalaan ng Pransiya ay ipinagbawal ang pagdiriwang ng Saint Valentine noong 1776. Ang pagdiriwang na ito ay na-wala rin sa Italya, sa Austriya, sa Hungarya, sa Alemanya at maging sa bansang Englatera.

Pero noong taong 1660 ay muling binuhay ni Haring Charles II ng Britanya ang pagdiriwang ng Saint Valentine, hanggang sa ito ay kumalat na rin sa iba pang panig ng daigdig.

Nakita naman ng mga negosyante na isang magandang pagkakataon para sa isang negosyo na maaaring pagkakitaan ang okasyon ng Saint Valentine.

Kayat noong 1840, isang negosyate na nagngangalang Esther A. Howland ang nagpalabas sa kauna-unahang pagkakataon ng mga ipinagbibiling American Valentine card, kung saan ay umabot ang benta nito sa halagang $5,000 sa unang taon, hanggang sa lumaki ang negosyong valentine card ni Howland, (Ang halagang $5,000 ng mga panahong iyon ay isa ng napakalaking halaga na.)

Ang Valentyine’s Day ay kagaya lamang sa kasaysayan ng Haloween, na ang pananamit ay kakaiba sa pangkaraniwang damit na katulad ng multo, tiyanak, dwende o ng iba pang mga nakatatakot na kasuotan.

Ang tawag ng mga pagano sa haloween ay Sanhain (binibigkas ito na sowen), at Katulad ng pagdiriwang ng Valentines Day, ang mga Kristiyano ay pinalitan lamang ang katawagan sa o-kasyon pero hindi ang mga tradisyon at paniniwala ng mga pagano. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Kung Hei Fat Choi’ ba o ‘Kiong Hee Huat Chai’?
Next articleGroups tell ERC this Valentine’s: Practice abstinence, hands off Meralco contracts!
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here