Home Lady Gaga Sabi ni Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan

Sabi ni Rizal, kabataan ang pag-asa ng bayan

533
0
SHARE

ALAM ng lahat ang kawikaan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Marami ang kumokontra sa kawikaang ito ni Rizal, dahil sa panahong ito raw ay pawang kabataan ang nasasangkot sa gulo, sa iligal na droga, pagnanakaw at iba pang uri ng krimen.

May mga kabataang rapist at killer na sa kanilang murang edad ay nahihikayat na gumawa ng masama. Bakit nga kaya ganoon ang kostumbre ng mga kabataan sa panahong ito ng millenials?

Kung ako ang tatanungin, wala namang masama sa kawikaan ni Rizal. Sino pa nga ba ang magiging pag-asa ng bayan kundi ang mga kabataan. Ang lahat ng tao ay patungo sa pagtanda kaya paano iiwan ang pag-asa sa henerasyon ng mga matatandang uugod-ugod na?

Kung marami mang kabataan ang nasasangkot sa krimen, aba eh may malaking problema ang kanilang mga magulang. Bilang isa ring magulang, wala akong inisip sa aking mga anak kundi ang sila ay mapabuti.

May kawikaan nga sa biblia na “bibigyan ba ng ama ang kanyang anak ng ahas?” Hindi siyempre. Walang magulang na naghangad na maging masama ang kanilang anak.

Ang tao ay hindi perpekto. Kahit nga ang sinaunang magkapatid na sina Cain at Abel ay mayroon ng ugaling masama si Cain na dahil sa labis na inggit sa kanyang kapatid ay pinatay niya si Abel.

Dalawang bagay lang talaga ang pagpipilian sa mundo: Maa atsam mabuti. Saan ka sa dalawang iyan? Kung ang puso ay puno ng damdaming masama, wala siyang gagawing mabuti.

Kung puso naman ng tao ay pawang kabutihan ang nasa loob, pakaasahan na magiging huwaran siyang kabataan. Mahalaga ang ugnayan ng magulang at anak dahil ang tamang paggabay sa anak ay hindi sila mahuhulog sa kapahamakan.

*****
Basura sa Masasa, nag-viral sa FB

NADISMAYA ako nang aking makita sa wall ng aking Facebook account nitong Sabado de Gloria, ang mga litrato na ipinoste ng isang netizen. Hindi maganda ang litrato dahil sa mga basurang nakakalat sa dalampasigan ng Masasa Beach, sa Tingloy, Batangas.

Ano ba naman kayo? Wala bang garbage bag o sako man lang sa lugar ng beach resort para paglagyan ng basura? O baka naman sadyang walang pakialam sa environment ang mga bwisitang nagkalat ng basura sa Masasa Beach?

Alam naman natin na tuwing Kuwaresma ay maraming turista na nagpupunta sa mga beach resort pero huwag namang ugaliin ang pagkakalat ng basura. Gawain lang iyan ng mga taong pasaway.

Kung ako ay kabilang sa mga guest na nariyan sa beach na iyan ng araw na magkalat ng basura ang mga pasaway na guest sa Masasa Beach, ay siguradong makakatikim kayo ng masasakit na salita sa akin.

Ang beach ay pinupuntahan para mag-relax ang mga taong pagod sa mahabang panahong pagtatrabaho pero kung ang makikita mo naman sa beach ay bunton ng mga basura ay hindi ka mare-relax at tiyak na mag-iinit ang iyong ulo.

Kaya pala maraming langaw na nagliliparan sa ilang resort na napuntahan namin ng aking mister dahil siguro sa mga basurang ikinakalat ng mga salaulang guest sa paligid ng resort.

Hindi po tama ang inyong ginagawa dahil may batas pangkapaligiran kayong nilalabag. Sana naman ay maipairal na mahigpit sa lugar ng beach resorts ang waste segregation scheme, alinsunod sa Solid Waste Management Law.

Iyang basura ay dapat na pinagbubukod-bukod. Inihihiwalay ang basurang nabubulok sa basurang hindi nabubulok. Kung naisasagawa ang gayong kautusan, wala sanang problema sa basura. Political will lang ang kailangan sa hanay ng mga barangay official upang sila mismo ang mag-utos sa kanilang mga kabarangay na ipatupad ang segregation scheme. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here