Home Top Story Safehouse ng KFR Group sa Marilao sinalakay; 1 patay

Safehouse ng KFR Group sa Marilao sinalakay; 1 patay

231
0
SHARE

MARILAO, Bulacan — Napatay makaraang manlaban ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for Ransom (KFR) group na responsable umano sa pagdukot ng ilang mga opsyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa inilatag na pagsalakay ng mga otoridad sa kanilang safehouse sa Brgy. Loma de Gato, sa bayang ito nu’ng Huwebes ng madaling araw (Aug. 15).

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo sa Aster Residencia Regina, Brgy. Loma de Gato, Marilao, kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo Dela Fuente.

Nasamsam ng mga otoridad sa naturang hideout ng grupo ang 1 hand grenade, 2 M16 Rifle, 1 cal.45, 1 UZI , 1 9mm beretta, 1 9mm Taurus, 1 Llama cal.38, mga magazines para sa mga nasabing kalibre ng baril, 1 jungle knife, 4 sets ng PNP uniform, 1 CIDG Jacket, 2 sets ng patrol shoes, mga police ID’s at dokumento, 1 Vault, 1 apple ipad, 3 unit ng cell phones, 1 Toyota Fortuner, 1 Toyota Wigo at isang Mitsubishi Adventure.

Bago tinunton ng pulisya ang hideout ni Dela Fuente, ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar, kabilang sa Caloocan at sa San Jose del Monte City sa Bulacan kung saan 4 na katao ang mga naaresto at ilang mga high-powered firearms ang nasamsam.

Modus umano ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na pulis.

Ayon naman kay NCRPO Chief P/Major Gen. Guillermo Eleazar na ang ginawang paghahain ng mga search warrants sa mga bahay ng mga suspek ay dahil na rin sa kanilang patuloy na pagkalap ng mga ebidensya laban sa grupo ng mga kidnaper na kung saan ay meron umanong mga sangkot na mga retiradong pulis at mga aktibong miyembro ng PNP gayundin sa military na bumibiktima sa mga BIR officials at mga negosyante at patuloy nilang inaalam ang mga personalidad ng mga ito para makasuhan at mapatanggal sa serbisyo. May Dagdag na ulat si Koi Laura

(Photo courtesy Thony Dela Peña Arcenal)

SHARE
Previous articleNLEX implements major road projects, improvements in Bulacan
Next articleOzamis/Parojinog Group member arrested in Bulacan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here