Saka na muna ang showbiz, serbisyo muna sa mga Bulakenyo

0
69

TUTOK na tutok ngayon sa paglalatag ng kanyang mga programa at proyekto itong si actor turn politician Governor Daniel R. Fernando, at parang wala pa yata sa kanyang plano ang magbalik na muli sa kanyang trabaho bilang isang alagad ng sining.

Ipaprayoridad daw muna ni Governor Dan-iel ang kanyang mga naging commitment sa kanyang mga kababayang Bulakenyo na ibigay sa mga ito ang tunay na serbisyo na kanilang kailangan lalo na ngayong siya na ang tumatayong ama ng kanilang lalawigan.

Sinabi ni Governor Daniel, na mas bibigyan niya nga-yon ng panahon ang mga programa at proyektong panlalawigan, na pakikinabangan ng mga mamamayang Bulakenyo at kabilang na nga dito ang malapit ng simulan na imprastraktura ng Bulacan International Airport at ang Bulacan Mega City na makatutulong ng malaki sa pagpaunlad ng ekonomiya ng kanilang lalawigan. Gayundin ang isinasagawa na ngayong railways na magdaraan sa limang mga bayan ng Bulacan mula sa Maynila patungo ng Clark sa Pampanga para sa mabilis at maginhawang paglalakbay.

Asahan na rin ng mga Bulakenyo ang pagtatayo ng mga international outlet stores, shopping mall, techno hub, factory outlets, industrial factories, warehouse at mga call centers, na tiyak na makapagbibigay ng libong bilang ng mga hanapbuhay sa maraming mga Bulakenyo sakaling matapos na ang mga nasabing proyekto.

Ayon pa kay Governor Daniel, tinatayang aabot ng may 400 hektaryang lupain sa may bnahagi ng bayan ng Pandi, Balagtas at Bocaue, ang sasakupin ng Bulacan Mega City Project, gayundin ang ilalagay na International Airport sa may bahagi naman ng Obando sa lalawigan ding ito

Dagdag pa ni Governor Daniel, na sa pamamagitan ng Bulacan Mega City Project ay hindi na kailangang bumiyahe pa ng malayo ang mga Bulakenyo para lamang mamasyal o mamili dahil kapag naitayo na ang proyektong ito ay tiyak na marami na ang mapupuntahan at mapapasyalang mga lugar .ang kanyang mga kababayan.

Good luck sa ‘yo Governor Daniel. Hindi nagkamali ang mga Bulakenyo na ikaw ang kanilang suportahan dahil ramdam na ramdam nila ang serbisyong pang-kagalingan na ipinangako mo sa kanila.

Wishing you all the best in serving the people of Bulacan.

GOD Bless and more power. Mabuhay ka. (RONDA BALITA Online)

Previous articleTurismo sa Batangas, bumagsak ng dahil sa Taal Volcano
Next articleGov. Fernando and PD Libunao initiates relief operation to Taal wrath victims
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here