Home Senyor Latigo Salamat, Malolos City Mayor Christian D. Natividad

Salamat, Malolos City Mayor Christian D. Natividad

70
0
SHARE

HINDI matapus-tapos ang mga pagpapasalamat ng mamamayan sa Lungsod ng Malolos kay Mayor Christian Natividad dahil sa kakaiba pero napakalaking kapakinabangan ang nagawa nito matapos niya mapag-isa ang mga gasoline owners na nasa kanyang nasasakupan na ibaba ang presyo ng kanilang produkto.

Ang unang tumugon at nagbagsak ng presyo ng kanilang mga produkto ay ang maliliit at bago pang mga gasolinahan.

Na nang malaman at makita ng malalaki at kilalang gasolinahan ang ginawa ng maliliit na gasolinahan ay wala silang nagawa kundi ang magbaba na rin ng presyo ng kanilang mga produkto.

Siyempre alam nilang wala ng magpapakarga ng kanilang produkto kapag hindi sila sumunod sa ipinatutupad na mababang presyo ng maliliit at bagong mga gasolinahan.

Dahil sa pangyayaring ito ay labis na ikinatuwa hindi lamang ng mga Malolenyo kundi maging ng mga motoristang mula sa mga kalapit bayan nito.

Kaya ang nangyayari ay marami ngayon ang dumadayo pa sa Malolos para magpakarga ng gasolina o diesel.

At sa pangyayaring ito ay labis-labis ang ipinaabot na pasasalamat ng lahat ng nakikinabang sa napakababang presyo ng gasolina at diesel na mabibili lang sa lungsod ng Malolos.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit si Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad lang ang nakapagpatupad at nakagawang maipababa ang presyo ng kanilang mga petrolyo?

Sa aking pagkakaalam ayon sa mga impormasyong aking natatanggap ay sa may 21 bayan at 3 lungsod ng lalawigan ng Bulacan ay tanging si Mayor Natividad lang ang nakagawa nito.

Naalala ko tuloy bigla ang kanyang ama at aking kaibigan na si dating 1st District Congressman Teodulo Natividad na todo ring minahal ng buo niyang distrito na kanyang pinaglilingkuran dahil sa ipinakita at ipinadama nito ang tunay na paglilingkod at pagmamahal, at iyan ang nakikita ko ngayong ginagawa Mayor Natividad sa mamamayan ng lunsod na kanyang pinaglilingkuran.

Ang tanong, nagawa ni Mayor Natividad na mapag-isa ang mga gasoline owner sa kanyang nasasakupan na mapababa ang kanilang mga produkto ng petrolyo, bakit ang 21 bayan at 2 lunsod ng lalawigan ay hindi nila nagawa o magawa? (just asking)

More power. Mabuhay ka Mayor Atty. Christian D. Natividad! May the good Lord bless and keep you always and your love ones!

 

*****

Ipinaaabot ko po ang aking taus pusong pakikidalamhati sa pamilya ng aking kaibigan at itinuturing na kapatid sa hanapbuhay na si RJ Acosta. Nakalulungkot man ang natanggap kong balita, pero alam kong may dahilan ang Diyos na siyang lumikha at nagpahiram sa atin ng ating hininga.

Dalangain ko nawa’y sumasinapupunan at makapiling mo kasamang RJ ang Panginoon makapangyarihan sa lahat.

Paalam Kaibigan at Kapatid!

 

SHARE
Previous articleSmoking ban nationwide, dapat higpitan
Next articleKapag may krisis ang pamumuno apektado nito ang buong estado
Hard-hitting broadcaster/columnist Archie Lorenzo Jimenez, of Plaridel, Bulacan was a Masscom graduate major in Broadcasting at Centro Escolar University. He worked in several radio stations as broadcaster, DZME1530, DWAN 1206, DZXQ 1350, DWGV 792, DZRM 1242 and DWDD AFP. A former Editor-in-Chief of Bulacan newspaper namely TUDLA, and had a brief stint as columnist of CMT UPDATES and Bulacan Catcher. He is now RONDA Balita’s whipping columnist.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here