Saludo ako sa 10 Points Agenda ni Pandi Mayor Roque

0
138

SALUDO ako kay Mayor Enrico Roque ng bayan ng Pandi, matapos kong mapakinggan ang mga binigkas niyang mensahe sa kanyang pag-uulat sa bayan o “State of the Municipal Address,” para sa unang 100 araw ng kanyang paglilingkod bilang halal ng Punong Bayan, bago isinagawa ang isang makabuluhang salu-salo ng pananghalian para sa kauna-una-hang paglulunsad ng Lechon Festival sa bayang bayang ito.

May 120 litsong baboy ang pinagsaluhan ng mahigit sa 3,000 mga dumalong residente, kasalo sina Mayor Roque at ang dalawang panauhin na sina DILG Assistant Secretary Manuel Felix at Bulacan Governor Daniel R. Fernando , na naglalayong ipakita nila sa publiko na ligtas na kainin ang mga karne ng baboy na nanggagaling sa bayan ng Pandi, sa kabila ng sinasabing pagkalat ng epidemya ng ASF o African Swine Flu na umatake sa mga alagang baboy sa ilang mga lugar sa bansa.

Pero ang mas higit na nakakuha ng aking atensiyon sa nasabing okasyon ay ang mga sandali ng pag-uulat ni Mayor Roque ng kanyang mga nagawa ng programa at proyekto sa kanilang komunidad sa nakalipas na unang 100 araw simula nang siya ay manungkulan noong unang araw ng buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.

Napansin ko kay Mayor Roque na habang siya ay nagsasalita ay wala siyang hawak ng tinatawag na kodigo na binabasa na katulad ng ibang mga opisyal, maliban sa kapirasong papel na siguro ay ginagamit niyang guide, kung saan nakalagay lamang dito ang mga pamagat ng kanyang 10 points Agenda, na malinaw niyang naipaalam sa kaalaman ng kanyang mga kababayan na dumalo sa okasyon.

Mahaba ang naging talumpati ni Mayor Roque pero hin-di ito kinainipan ng maraming nakikinig sa kanya, dahil makabuluhan ang bawat kataga na kanyang binabanggit, at sa halip ay paghanga sa kanya dahil sa loob lamang ng maikling panahon ay kaagad niyang nailatag ang kanyang mga programa para sa bayan ng Pandi

Masasabi kong hindi nagkamali ang kanyang mga cons-tituents na muli nilang ipagkaloob sa kanilang dating alkalde Enrico Roque, ang kanilang tpagtitiwala sa kakayahan nito bilang isang public servant, nang suportahan nila itong muli noong nakaraang halalan, dahil nasubukan na rin nila ang kahusayan sa paglilingkod ng nasabing alkalde.

Isa kang tunay na Lingkod Bulakenyo Mayor Roque.

Wish you all the best in serving the people of Pandi. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here