Home EXTRAFONTS Sandamakmak na basura matapos ang election day.

Sandamakmak na basura matapos ang election day.

17
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

TUWING panahon ng halalan at pagkatapos ng eleksiyon ay malaking sakit ng ulo ng mga opisyal ng bawat barangay saanmang dako ng bansa ang sangkaterbang basura na naipon nitong election period.

Karamihan sa mga basurang nagkalat sa lansangan ay ang election paraphernalias na karaniwang makikita sa polling places sa election day sa palibot ng mga paaralan.

Nakagawian na kasi ng mga taong pumupunta sa polling places na itapon na lang sa palibot ng presinto ang mga polyetong ipinamahagi ng ng mga tauhan ng mga kandidato.

Bukod sa sari-saring basura sa palibot ng mga presinto, problema rin ng barangay ang pagtatanggal ng election campaign posters at tarpaulin na nakadikit at nakasabit sa puno, sa bakod, sa poste ng ilaw at iba pang mga lugar na ipinagbawal na dikitan o lagyan ng mga poster at tarpaulin.

May designated common poster area sa bawat barangay pero nilabag pa rin ng mga pasaway ang babala ng Comelec. Halos lahat ng lugar ay dinikitan at sinabitan ng poster at tarpaulin ng mga kandidato.

Nangyayari din na kapag ang mga volunteer ng isang kandidato ay naatasang maglagay ng tarpaulin at poster ng kanilang kandidato, ang inabutan nilang mga poster at tarpaulin ng kalabang kandidato ay kanilang inaalis at ang ipapalit ang poster ng bosing nilang kandidato.

Ang mga poster at tarpaulin na binaklas ng mga pasaway ay doon din itinatapon sa mga lugar na kanilang pinanggalingan kaya dagdag sakit ng ulo sa mga street sweeper ng barangay ang kanilang ginawa.

Hindi lang sa gilid ng kalsada makikita ang sandamakmak na basura kundi maging sa mga katubigan tulad ng estero, sapa, ilog at irrigation canal buhat sa mga kabahayan ng mga salaulang Pinoy.

Kaya karagdagang trabaho rin para sa barangay officials at volunteers na nagsasagawa ng regular weekly clean-up drive sa bawat barangay sa buong bansa ang tone-toneladang basura na natipon sa panahon ng eleksiyon.

Para sa kabatiran ng lahat ng Bulakenyo ang nga basurang kinokolekta ng garbage collector ng bawat barangay ay pansamantalang tinitipon sa mga materials recovery facility (MRF) ng barangay at mula roon, hahakutin naman ang mga nakasakong segregated waste materials.

Mula sa mga MRF, ay ihahatid ang sako-sakong basura ng trak ng munisipyo sa sanitary landfill sa Capaz. Tarlac. Ginagawa ito tuwing ika-apat na buwan. Sa bawat trak ng basura na ibinibiyahe sa sanitary landfill ay may bayad kaya umaabot sa milyong piso ang ibinabayad ng bawat munisipalidad sa landfill facility. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSBITC continues port improvement with two new container handlers
Next articleSM’s security force undergo joint tactical inspection
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here