Home Kakampi Ng Masa Sangay ng SSS sa New York, bukas na sa mga Pinoy

Sangay ng SSS sa New York, bukas na sa mga Pinoy

15
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

GOOD news mga kabayan, opisyal nang binuksan ng Social Security System (SSS) ang kanilang sangay sa New York, USA alinsunod sa tungkulin ng ahensya na tiyakin ang karapatan sa social security ng mga Pinoy na nasa ibang bansa.

Matatagpuan ang SSS New York sa The Philippine Center na nasa 556 Fifth Avenue kung saan kasama nito ang Philippine Consulate General (PCG) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Mga ’igan, ito ang ika-27th na tanggapan ng SSS sa labas ng bansa. Ang mga foreign representative office ng SSS ay nasa 18 bansa kabilang ang mga sangay sa Los Angeles at San Francisco sa Estados Unidos, Toronto at Calgary sa Canada na nagbibigay ng serbisyo sa mga Pinoy na miyembro ng SSS na naninirahan o nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Kabilang po kasi sa mga serbisyong ibibigay ng SSS New York ay ang pagbibigay ng SSS number, pagbeberipika ng datos at pagbabago ng impormasyon ng miyembro, pagtanggap ng aplikasyon sa benepisyo at pautang, kabilang ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).

Nabatid na bukas ang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes mula alas- 9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Samantala, tatanggap ng buwanang kontribusyon ang mga miyembro sa Philippine National Bank, Ventaja, at Lucky Money Inc.

“Naniniwala ang mga opisyal ng ahensya na bilang isa sa mga karapatang pantao ng bawat manggagawa ay hindi dapat maging opsyonal lamang sapagkat ito ang pangunahing maaasahan ng mga manggagawa sa oras ng pangangailangan.

Malinaw na dapat makukuha ito sa panahon ng pangangailangang pinansyal.

Kasabay ng pasasabatas ng Social Security Act of 2018 na mandatory coverage para sa lahat ng sea-based at land-based OFWs sa pamamagitan ng mas pinaigting na bilateral agreements ukol sa social security at labor sa pagitan ng Pilipinas at iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio ang mga Filipino na permanent migrants sa US, mga may estado bilang immigrants, naturalized/dual citizens, at permanent residents ay maaaring magpatuloy ng kanilang pagiging miyembro ng SSS o magparehistro sa unang pagkakataon bilang voluntary member.

Mga suki, sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa 3.6 milyon Filipino ang naninirahan sa USA.

Sa kabuuang bilang na ito, 330,000 ang nakatira sa US East Coast na nasasakupan ng New York PCG na siya ring mamumuno sa SSS New York office.

Sa gitna ng mga pagkabahala ng mga grupo ng OFW sa implementasyon ng compulsory OFW coverage.

Ipinaalala ng opisyal sa mga miyembro ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng social security lalo na sa panahon ng pagreretiro.

Sa kasalukuyan,kasi halos 19,000 o 61.53 porsyento ng kabuuang bilang ng mga pensyonado na nakatira sa ibang bansa ay nasa Estados Unidos.

Habang ang 21.95 porsyento naman ay nasa Canada at 3.96 porsyento ay nasa Australia at ang natitira ay nasa iba pang mga bansa.

“Sa bawat kontribusyon sa SSS na galing sa pinaghirapang kitain ng mga OFWs sa mahabang panahon na pagtatrabaho nila sa ibang bansa ay magdudulot ng higit na pakinabang sa kanila.

At sa pamamagitan nang kanilang ipon sa SSS ang maaari nilang maasahan sa mga panahon ng pangangailangan tulad ng pagkakasakit, pagkabalda, o pagkamatay,” sabi ni Ignacio tungkol sa mga karagdagang pribilehiyo ng OFWs.

Alinsunod mga igan, sa mandatory coverage ng mga OFWs, ipagpapatuloy rin ng SSS na tukuyin ang mga bansa kung saan mayroong malaking populasyon ng mga Filipino para sa posibilidad na pagbubukas ng karagdagang foreign representative offices sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DFA at Foreign Service Posts.

“Uunahin ng ahensya ang mga bansa na mayroong pinakamaraming nakabase na Filipino upang masiguro na sila ay magkakaroon ng social security protection,”

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa gmail na thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here