SAP beneficiary ipinuhunan ang ayuda sa shabu

0
1160
Ang naarestong drug suspek na si Michael Dela Cruz (gitna), 37 taong gulang at residente ng Brgy. Sulivan, Baliwag, Bulacan. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

CANDABA, Pampanga — Arestado ang isang lalaking tindero ng tinapa sa isinagawang buy bust operation ng Candaba police sa Brgy. Pulong Palazan nitong Biyernes (May 29).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Santos Mera Jr., Hepe ng Candaba Police Station, kinilala ang suspek na si Michael Dela Cruz, 37 taong gulang at residente ng Brgy. Sulivan, Baliwag, Bulacan.

Ayon kay Mera nakatanggap sila ng sumbong na ang pagtitinda ng suspek ng tinapa ay front lamang dahil nagtutulak ito ng shabu.

Agad na nagsagawa ng surveilance ang mga pulis laban sa suspek at ikinasa ang buy bust operation.

Nang magkaabutan na ang pulis na nagpanggap na poseur buyer at ang suspek ay dito na siya dinakip ng mga operatiba.

Nakumpiska sa suspect ang marked money, tatlong sachet ng shabu at timbangan.

Ani Mera, natuklasan rin nila na si Dela Cruz ay nakatanggap ng ayuda mula sa DSWD sa ilalim ng SAP.

Aminado naman ang suspek na nakatanggap siya ng P6,500 mula sa Social Amelioration Program ng DSWD at ang ilang bahagi nito ay ginastos sa pamilya, pinambili niya ng harina at ipinuhunan sa pagbebenta ng droga.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here