Home Pilantik Sapa sa Pulilan na binaboy at sinalaula

Sapa sa Pulilan na binaboy at sinalaula

13
0
SHARE

PABAYA at WALANG MALASAKIT. Ganyan kung ituring ng mga residente ang ilang opisyal ng pamahalaan partikular ang mga taga Department of Environment and Natural Resources (DENR) lalo na ang mga tauhan ng sangay nito dito sa lalawigan ng Bulacan tulad ng BENRO, CENRO at MENRO.

Ang tinutukoy po ni PILANTIK kung bakit naging ganoon ang naging turing at tingin ng maraming residente sa mga opisyal na kanilang sinasabi na mga taga DENR maging sa mga opisyal ng lokal na pamahalaang ng Pulilan Bulacan ay dahil sa isang SAPA na pinabayaang masaula.

Isang SAPA na dati-rati ayon sa mga apektadong residente ay Malinis na malimit nilang pinangingisdaan subalit magmula ng dumating at itayo ang isang kompanya ng TYSON , NABABOY NA NG HUSTO ang dati-rating malinis na Sapa.

Sa dami ng mga taong nagrereklamo na ating nakapanayam, bakas sa kanilang mukha ang labis na pagkatakot at pangamba sapagkat hindi malayong magdulot ng sari-saring sakit sa kanilang pamilya ang inirereklamong mabahong Sapa.

Masama ang loob ng mga taong naninirahan malapit sa sapa ang PAGBALEWALA ng mga opisyal ng Barangay higit sa lahat ay sa mga opisyal ng pamahalaang lokal ng bayang Pulilan . Tahasang sinabi kay PILANTIK ng nagrereklamo na maraming ulit na nilang ipinagbigay alam ang kanilang problema subalit WALANG AKSYON at binalewala ang kanilang hinaing, hindi sila pinansin at tuluyan ng pinabayaan.

Kung sabagay ay wala na tayong dapat ipagtaka sapagkat kung inyo pong natatandaan, di po ba’t makailang beses ko ng inilathala ang isyu ng NAKASUSULASOK na basurahan sa Barangay Longos na sakop din ng bayang Pulilan , may nangyari po ba ? Pinakinggan po ng mga taong ito ang inirereklamo ng mga KABARANGAY ko, HINDI PO AT PURO MGA PATAY MALISYA .

Makikita sa larawan ang katas na lumalabas mula sa pabrika ng kinatay na manok na Tyson na nakatayo mismo sa tabi ng nasabing sapa na nag-uugnay o boundary ng Barangay Tinejero at Poblasyon Pulilan, Bulacan.

Parang hindi alam ng mga taong ito ang salitang KAHIYA-HIYA. Ang KAKAPAL NG M- K – A, lalo na ng ilang taong siyang may pananagutan sa problemang katulad ng inirereklamo. Hindi ko po nais na pagdudahan na mayroong hindi magandang pinag-uusapan kaya hindi Maapu-apula ang walang patumanggang PAGSAULA sa ating kapaligiran. Wala naman akong alam na kung ang mga PATAY NA LUKAN AY MAY MGA LAHING KOREANO. YUN BANG MAG KANO KO RIYAN.

Sa kagalang-galang na INA NG BAYAN Mayor Maritz Ochoa Montejo, nakikiusap ang pitak na ito na inyong kung puwede ay inyong bigyang pansin at aksyunan ang mga problemang ito ng inyong mga kababayan bago pa LUMALA AT TULUYANG MAGKASAKIT ang mga taong siyang nagluklok sa inyong kinalalagyan.

At para naman sa inyong taga BENRO, CENRO at MENRO LALO NA SA IYO SECRETARY ROY CINGATU, kumilos naman kayo at magtrabaho para kahit na paano ay masulit ang ipinasusuweldo sa inyo ng taong bayan. Mag-ikut-ikot naman kapag may time hindi iyang wala yata kayong ginagawa kung di ang magbutas ng upuan sa inyong mga BULOK NA TANGGAPAN.

KIIIILLLLLOOOOSSSSS NAMAN. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here