Sarah inalis sa ASAP Artcard, fans nag-reak

0
94

NAG-REAK ang mga fans Sarah Geronimo nang alisin daw sa Artcard ng ASAP Natin To ang name ng Popstar Royalty.

Magmula raw kasi nang nag-collab ang Kapamilya at TV5 para sa pag-eere ng live ng ASAP aside sa A2Z ay hindi na raw sumisipot ang singer-actress.

Wala naman daw sinasabing dahilan ang kampo ni Sarah sa bagay na ito.
Sa social media ng fandom ng Sarah Geronimo Fans ay may pinost na artcard ng ASAP ang mga ito.

Sa unang artcard ay pitong hosts ang nasa larawan at sa katabing larawan ay anim na lang.

Nilagyan ito ng caption ng mga faney ni Sarah G. na “look the difference.” Ang pitong larawan ng artcard ay kasama si Sarah at may nakalagay sa ilalim na “maki-bonding this Sunday, 12 noon sa isang masayang anniversary celebration.

Sa ikalawang artcard ng ASAP with same people ay nawala na sa frame si Sarah but the same caption pa rin.

Kaya ang tanong ni @bubbalovebaby, “so wala si Sarah G sa anniversary?”

Sagot ni Madam Kristina Bernadette @NaKKkaLlok… True kasi nga natuto na ang ASAPOFFICIAL na ginagamit palagi si SG para sa engagement at ratings, sa true lang tayo! Kitams bagsak ang ratings ng ASAP kasi wala si Sarah G na hinahanap ng marami.”

Espekulasyon naman ng isang Sarah fans baka raw ibalik ang Sarah G Live, kaya tinanggal sa artcard ang pictures ng Popstar Princess.

Heto naman ang mga nababasang comments sa social media.
“ Sarah out? Asap will end up major Floppeyyy..lol”

“Baka last minute naman kasi nag beg off si sarah g or nag decline.”

“O e bakit galit na galit sila?” Wala pang anunsyo ang ASAP kung makakapunta ngayong anniversary celebration ng number one variety show na umabot na sa 26 na taon. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here