Sarah-Matteo ‘highly confidential’ wedding, natuloy!

0
199

NATULOY nga nu’ng February 20 ang ‘highly confidential’ wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

SA kabila ng mga kaguluhang naganap ay hindi napigilan ang pagmamahalan ng dalawa.

Last year ay inanunsyo ng AshMatt couple ang kanilang engagement, pero nangyari na pala ang proposal ni Matteo nu’ng pang 2018 ng sila ay nagbabakasyon sa ibang bansa.

Walang binigay na detalye kung saan sila magpapakasal, pero may lumabas na sa Italy magaganap ang kasalan.

Ayon pa sa source ng Philippine Star kasalang magaganap ay highly confidential.

Ang buong pamilya ni Matteo ay dadalo, pero ang mga magulang ni Sarah ay hindi pa raw kumpirmado kung makakadalo.

Ayon pa sa artikulo, ang gusto ng celebrity couple ay sa Italy magpapakasal kung saan tagaroon ang ama ni Matteo.

Nag-apply daw ng marriage license last February 3 ang celebrity couple, ayon pa sa source.

Ayon naman sa ABS-CBN News sa pag-uulat ni MJ Felipe ay nasa taping ang Pops Royalty ng ‘The Voice.’

Wala naman daw sa reaksiyon nito na siya ay nagmamadali.

Nagpasabi raw sila na iinterbyuhin ang singer-actress by 4 p.m. pagkatapos ng taping.

Pero pagdating daw ng alas-kwatro ay sumakay na sa sariling sasakyan si Sarah.

Ayon sa nakakita wala raw kasama ni isang staff o ng mga taga-Viva si Sarah.

Tinatawagan daw nila eto, pero hindi na nila makontak. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here