Sarah naging emosyonal nang pasalamatan ang pamilya

0
107

LAST August 30 ay nagkaroon ng virtual concert ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa anibersaryo ng Landers Superstore.

After ng concert, pinasalamat ni Matteo ang misis sa pagiging totoo nitong tao.

Ani ng actor-singer, “Thank you very much for being you all the time, and not faking who you are not just to me but to my family and to our friends. Sometimes, you always tell me, ‘Love, hindi ako ganyan.’ But I trust in you and in God that you’re learning every single day to be a stronger woman.”

Dagdag pa ni mister, habang nagtatagal daw ay lalong nagiging strong woman at independent ang kanyang misis.

“I love you for that because you’re learning about life every single day. You’re becoming a stronger, more independent, bullet-proof woman every day. I am seeing it from my own eyes. I am very proud of you and I will love you for the rest of my life,” sambit ni Matteo.

Pinasalamatan naman ni Sarah ang kanyang mister na laging andyan sa kanyang tabi para siya ay alalayan.

Sey ng Popstar Royalty, “’Yung mga simpleng bagay lang na gina-guide mo ako or ina-assist mo ako whenever I work from home. Ikaw nag-aasikaso ng camera, ng ilaw. Grabe ‘yung efforts mo and walang hinihinging kapalit ‘yun every time you do it. You do it out of love, not obligation. Naa-appreciate ko lahat ‘yun kahit hindi ko nasasabi sa’yo.”

Binuko rin ni Sarah na sobra raw siyang pinapamper ng mister.

“Alam niyo po, spoiled ako dito kay Matt. ‘Yung babae, ang role is siya ‘yung nagluluto all the time, siya ‘yung nag-aasikaso sa asawa. Pero baligtad sa amin. Siya ‘yung ganun sa maasikaso, ipagluluto ka,” aniya.

Pinasalamatan din ni Sarah ang kanyang pamilya.

Naging emotional siya habang isa-isang binabanggit ang name ng kanyang family na ilang buwan na ring nawalay sa kanya mula nang siya ay mag-asawa.

“Our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab, at sa lahat ng aking my dogs, I love you all so, so, so, so much.”

Ang mga netizens ay nagtatanong.

All’s well that ends well na ba ang pamilya Geronimo?

Well, sana nga ay nagka-ayos na sina Sarah at ang family niya, lalung-lalo na si Mommy Divine? (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here