Sarah nakatanggap ng award mula sa Nigeria

0
281

MAY nadagdag na namang achievement sa buhay ni Sarah Geronimo.

Kamakailan lang ay ginawaran siya bilang Entertainment Personality of the Year award ng prestihiyosong Akwa-Ibom State Advancement Awards ng Nigeria.

Tuwang-tuwa ang Pop Royalty sa natanggap na bagong award dahil sa husay niya sa pagkanta at sa maraming followers na tumatangkilik ng kanyang mga kanta.

Hindi lang sa natanggap na bagong award ang kasiyahang bumabalot ngayon sa Pop Royalty.

Marami rin daw nabago sa kanyang buhay mula nang maging siya ni Matteo Guidicelli.

Kwento ng singer, “Siyempre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko. Being a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So, I have to attend to his needs.”

At yun daw ngayon ang kanyang pina-prioritize.

Naging opportunity daw sa kanilang mag-asawa ang quarantine period dahil mas nakilala nila ang isa’t isa.

Kung tutuusin para na ring nasa honeymoon stage sila (though sabi ni Matteo wala pa raw honeymoon) dahil naka-lockdown lang sila sa bahay.

Sabi ni Misis Guidicelli: “We’re given enough time to know each other better and I think, iyon ang pinaka-importante dahil nakakapag-adjust kami sa isa’t isa.”

Isa sa bonding ng dalawa ay ang music dahil pareho silang music lovers.

“We both share this passion for music kaya we’re happy to part of the Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng krisis ng COVID-19,” sey ni Sarah.

Proud si Sarah sabihing naipagluluto na niya ang kanyang mister. Iba’t ibang putahe raw ang kanyang nalalamang lutuin na kung minsan ay katuwang si Matteo. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here