Sardines factory sa Sorsogon, magsisimula na sa Disyembre

1
489

SORSOGON — Nakatakdang magsimula ang operasyon ng isang pagawaan ng sardinas sa bayan ng Bulan sa darating na buwan ng Disyembre na inaasahang magbibigay ng trabaho sa higit kumulang 600 manggagawa mula sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan.

Ang pagawaan na pag-aari ng GuinBe Food Corporation na kilalang gumagawa ng may kalidad na sardinas sa bansa.

Isa sa programa ni Governor Chiz Escudero ang pagsasaayos ng imprastraktura ng lalawigan kabilang na ang pagpapalawak at pagsasaayos ng Bulan Fish Port kung saan dinadala ang mga nahuling isda katulad ng ‘tamban’ na ginagawang sardinas.

Naniniwala ang gobernador na pag may maayos na imprastraktura ang isang lalawigan maraming negosyante ang mamumuhunan at makapagbibigay trabaho sa mga mamamayan nito.

Dahil din sa nasabing pagawaan sa lalawigan, ang mga mangingisda ng Bulan ang kanilang magiging pangunahing supplier at  patatatagin din nito ang presyo ng tamban na nagiging suliranin ng mga mangingisda sa kasalukuyan dahil sa kadalasang pagbagsak ng halaga nito sa merkado.

Kilala ang bayan ng Bulan sa tone-toneladang huli ng isdang ‘tamban’ na mas kilala sa tawag na ‘lawlaw’ sa lalawigan. (RONDA BALITA Online)

Previous article7,200 pamilya sa Marilao, Baliwag tumanggap ng kalinga packs
Next articleNLEX, Angeles LGU ink traffic management agreement
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

1 COMMENT

  1. Hello! Goodmorning madame/sir!🙂
    Ask ko lang po if still hiring pa po kayo? And what are the qualifications po? Graduated four year course po ako. BSHRM po sa AMA Sorsogon. Willing po ako mag apply walk in incase may available position pa po.🙂 Thankyou!😇

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here