Home National News Sec. Galvez: Tuldukan ang insurehensiya para sa pangmatagalang kapayapaan

Sec. Galvez: Tuldukan ang insurehensiya para sa pangmatagalang kapayapaan

19
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Malinaw ang daan na tinatahak ng Pilipinas tungo sa pangmatagalang kapayapaan, ito ang tuluyang pagtuldok sa insurehensiyang 50 taon nang banta sa seguridad ng bansa.

Iyan ang binigyang diin ni Presidential Adviser on Peace Process Secretary Carlito Galvez sa ginanap na Special Meeting on Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict dito sa lungsod. Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Personal niyang kinilala ang pagtulong ng apat na mga punong lalawigan ng gitnang Luzon dahil sa aktibong pakikilahok sa paglaban sa insurehensiya. Dumalo sila sa nasabing pulong na kinabibilangan nina Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan, Gobernador Dennis ‘Dennis’ Pineda ng Pampanga, Gobernador Hermogenes Ebdane ng Zambales at Gobernador Gerado Noveras ng Aurora.

Para kay Secretary Galvez, ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan ang susi upang tuluyang maihatid ang bansa sa ganap at tuluy-tuloy na pag-unlad. Kaya naman hinikayat din niya ang mga ahensiya ng pamahalaan na sikaping gawing katuparan ang mga trabaho at adhikain.

Kaya naman sa partikular sa lalawigan ng Bulacan, base sa ulat ni Lt. Col. Ronald M. Bautista ng 7th Infantry Kaugnay Division ng Philippine Army, may 15 mga rebeldeng komunista ang na-neutralized sa lalawigan mula noong taong 2017 hanggang nitong Setyembre 2019.

May 18 naman ang mga sumuko ngayong Setyembre sa iba’t ibang panig ng gitnang Luzon. Tig-anim sa Bulacan at Zambales, apat sa Nueva Ecija at tig-iisa sa Tarlac at Aurora.

Kaugnay nito, nanawagan si Gigi Simbulan, tagapangulo ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI), sa Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict na bantayan na rin ang mga pribadong eskwelahan na napapabalitang nagkakaroon ng paghihikayat ang mga rebeldeng komunista. Iba pa rito ang para sa mga state universities and colleges.

Bilang tugon dito, ipinahayag ni Gob. Fernando na “dapat gibain ang mga propaganda ng mga komunista” upang hindi na makahikayat pa ng mga kabataan. Matatandaan na sa nakaraang Provincial Peace and Order Council Meeting para sa kalagitnaang bahagi ng taon, nagpasa ng resolusyon ang nasabing konseho na nagdedeklara sa mga rebeldeng komunismo bilang mga persona non grata sa Bulacan.

Dito ipinag-utos din ng gobernador ang ipapairal na moratorium sa mga nakatakdang panibagong relokasyon sa Bulacan ng mga illegal settlers sa Metro Manila. Sapagkat ayon kay Gob. Fernando, ang mga ganitong lipatan ng bahay ay nagiging paraan ng mga rebeldeng komunista “upang sumabay” at siyang makapasok sa Bulacan.

Source: PIA/Shane Frias Velasco

SHARE
Previous articleSandra Cam tinurong nagpapatay sa Vice Mayor ng Masbate
Next articlePeace Forum, isinagawa sa isang paaralan sa Aliaga, NE
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here