Home Top Story Seguridad sa 31st ASEAN Leader’s Summit, plantsado na!

Seguridad sa 31st ASEAN Leader’s Summit, plantsado na!

497
0
SHARE
Ang mga magpapatupad ng seguridad sa pagdating ng mga lider para dumalo sa 31st ASEAN Leader’s Summit sa send-off ceremony na isinagawa sa Luneta Grandstand ngayon. Larawan ni Ben Nabong 

SA nalalapit na 31st ASEAN Leader’s Summit na gaganapin sa bansa ay nakalatag na ang seguridad at kaayusan ng mga itinuturing na “best forces” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng summit sa Metro Manila at Pampanga.

Sa naging pahayag ni AFP spokesman Major General Restituto Padilla Jr. na ang Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) na pinangungunahan ni Brigadier General Jesus Manangquil Jr. ang magiging lead security unit at mamamahala sa naturang okasyon.

Nakakalatag na rin para magbantay ang may 60,000 personnel’s ng JTF-NCR kasama na rin ang suporta ng concerned agencies na silang katuwang sa event mula sa loob at labas ng PICC, ang venue ng ASEAN Summit.

Nakamanman din sa selebrasyon ang security preparations ng pandagat mula sa Philippine Coast Guard at Regional Maritime Units-NCR sa pamumuno ni Sr. Supt. Baltazar V. Rivera sa Manila de Bay.

Kasabay rin ng panawagan ng opisyal sa publiko lalo na ang mga may-ari ng mga sasakyang pandagat ang pagbabawal na lumapit sa event hanggang 1 Nautical Miles ang layo mula sa shoreline kong saan ay kontrolado na rin ng grupo ang Pasig River.

Nobyembre 10 hanggang 14 ay dadating na ang mga world’s highest leaders at delegates sa bansa kabilang dito si US President Donald Trump.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here