Home Kakampi Ng Masa Self-confidence para maabot ang pangarap bilang abogada

Self-confidence para maabot ang pangarap bilang abogada

29
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

NAIS ko munang magpugay sa mga nakapasa sa Bar Examination nitong nakaraang taon 2018 kabilang si Atty. Jobelyn Ann Aguinaldo Cruz, isa sa tatlong anak ng kilalang abogado na si Atty. Joey Cruz ng San Pedro, Bustos, Bulacan.

Nito lamang Mayo 25, 2019 isinagawa ang pasasalamat ng pamilya Cruz sa biyayang natanggap sa bakuran ng Galilee Resorts na pag-aari ni Ka Narcing.

Si Lolo Gard ang nabigay ng panimulang salita at bahagyang ikinuwento ang naging buhay at pinagsamahan nila ni Atty. Cruz kung saan itinuon lamang nito ang pagtulong sa kanyang kapwa bilang manananggol kaya naman maraming Bulakenyo ang nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Matapos ang mahabang kuwento, itinuloy na ang programa kasabay ang selebrasyon na dinaluhan nang Pamilya Cruz, mga kaibigan at classmates at batchmates noong elementary, high school at sa kolehiyo sa University of the East, kabilang kanyang longtime friend na si Joven, na isang CPA na syang umaktong master of ceremonies,

Dito’y nabigay siya ng mga trivia na may kaugnayan sa ating bida. Tulad ng paboritong subject nito, pagkain at iba pa, habang may inilaan namang pa premyo sa bawat tamang sagot.

Ayon sa kwento ng nabanggit na abogada, undergraduate siya ng Finacial Management pero tinapos niya ang 4 na taon sa UE bago pumasok sa Law School dahil kinumbinsi siya ng kanyang kasintahan.

Kung saan ipinaalam niya sa kanyang ama ang pagkuha ng abogasya or mag-masteral na lang. Bagama’t may pag-aalinlangan si Atty. Joey sa nais tahakin ng anak, suportado naman n’ya ito sa lahat ng bagay.

Aniya, sinubukan nyang kumuha ng entrance exam kung saan sya nakapasa para sa kurso ng Law sa San Sebastian College of Law, pero kalaunan ay nag-transfer siya sa UE Manila.

Lakas lang talaga ng loob at katatagan o self-confidence at paniniwala sa Diyos Ama ang kanyang naging sandigan bagama’t wala siyang alam sa kursong kanyang nakursunadahan ipinagpatuloy niya ito at naging successfull naman.

Until such time, natutunan naman niya ng unti-unti ang pangalawa niyang kurso at pumapasa naman sa mga exam, recitation araw-araw at kung anu-ano pa.

Sa batch niya na may bilang na 8,200 na kumuha ng Bar Exam at sa bilang na ito ay 22% ang pumasa na may katumbas ng 1,800 na manananggol,

Aniya, ang kanyang motibasyon ay nagmula sa kanyang pamilya kung paano niya pinagsumikapang mag-aral at sa suporta ng abogadong ama.

Kaya ang kanyang payo sa mga kabataan na may mga pangarap sa buhay ay huwag matakot at samahan ng tiwala sa sarili at manalig sa Panginoon upang makamit ang tagumpay.

Pansamantala ay magtatrabaho muna siya sa Law Office ng kanyang ama sa Malolos City habang susubukan din niyang mag-apply sa Public Attorney’s Office (PAO).

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here