Serbisyong Langit, Puhunan sa Langit — DITSE Tina Pancho

0
383

MULA nang maranasan ang coronavirus sa bansa at sa buong mundo, hindi ito inalintana ng pamilya ni Bulacan 2nd District Congressman Gavini “Apol” Pancho na palaging bukas ang tahanan at opisina para maglingkod sa kanilang mga ka-distrito.

Bagama’t wala pa mang pandemya, mula noon hanggang ngayon ay subok na sila sa paghahatid ng serbisyo publiko, ’yan ang “Tatak Pancho”!

Patuloy ang pagbibigay serbisyo gaya ng pamamahagi ng mga relief goods sa mga Bayan ng Bustos, Baliwag, Plaridel, Guiguinto, Balagtas, Pandi at Bocaue.

Pagdating naman sa serbisyong medikal, mga gamot at hospital bill assistance ay sa mga pampublikong ospital gaya ng Baliwag District Hospital, Bustos Community Hospital, Ospital ng Guiguinto, Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital at Bulacan Medical Center ang sasagot sa suliranin ng mga taga-2nd District mula sa serbisyong “Tatak Pancho”!

Katuwang ni Congressman Apol ang kanyang “DITSE” o nakatatandang kapatid na babae, upang mas mapagtagumpayan at mapabilis ang ayuda sa mga mamamayan sakaling siya ay nasa labas at abala lalo na kung may pagpupulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Panahon pa man ng panunungkulan ng kanilang ama na si dating Congressman Pedro M. Pancho ay si DITSE Tina Pancho na ang humaharap at nag-aasikaso sa mga tao na pumupunta sa kanilang tahanan at humihingi ng tulong o suporta.

Sa pakikipanayam ng inyong lingkod kay DITSE Tina aniya “ngayon kami mas higit na kailangan ng aming mga kababayan sa panahon ngayon na halos maraming nahihirapan at nawalan ng hanapbuhay, lahat tayo ay hirap na!  Dasal ko sa ating Panginoon; sana mawala na ang COVID sa buong mundo”.

“Masaya kami sa aming ginagawang paglilingkod sa kapwa dahil ang paglilingkod sa ating kapwa ay serbisyong langit, puhunan sa langit! Hindi natin alam ang mangyayari. Ang COVID na nakakatakot ay di natin alam kung kailan matatapos at wala pang vaccine, kaya palagi namin pinapaalalahanan ang lahat na lumagi lamang sa loob ng kanilang mga tahanan, ’wag lumabas kung di rin lang kailangan, sundin ang tagubilin ng ating gobyerno magsuot palagi ng facemask at panatiliin ang social distancing,” dagdag pa ng DITSE ng Ikalawang Distrito ng Bulacan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here