Home National News ‘Service Charge Bill’ pirmado na!

‘Service Charge Bill’ pirmado na!

46
0
SHARE

MANILA — Pormal ng nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay karapatan sa sa mga manggagawa ng mga hotel at restaurants na makuha ang 100% service charge mula sa mga kustomer.

Nakasaad sa Republic Act No. 11360 na nilagdaan noong August 7, 2019, lahat ng rank-and-file at supervisory employees ay may karapatan nang makuha ang buong service charge taliwas sa dating umiiral na Labor Coder, Article 96 kung saan 85% lamang ang natatanggap ng mga maggagawa.

Samantala malinaw ding nakasaad dito na ang mga manggagawa na nasa “managerial” position ay hindi kasama sa nasabing benepisyo.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, Chairman ng Senate Committee on Labor, ang nasabing batas ang magiging tugon sa 40 taong kalbaryo ng mga hospitality workers.

“Sa wakas, natapos na rin po natin ang laban ng ating mga manggagawa sa services sector na matagal nang hinihiling ang buong pagbabahagi ng service charge sa mga nagbibigay ng serbisyo sa mga restaurant, hotel, at mga katulad na establisyimento,”

“The law allows our frontline service workers to enjoy the fruits of their labor, the reward for providing good, quality service,” dagdag pa ng Senador.

Source: Remate

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here