Home News Report SGLG AWARD, Muling Makakamit ng Malolos

SGLG AWARD, Muling Makakamit ng Malolos

239
0
SHARE

EDUKASYON PARA SA MGA MALOLENYO — Sinalubong ng mga batang mag-aaral na pawang may hawak na pulang banderitas si City Mayor Christian D. Natividad nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng mga bagong silid aralan sa twol-storey building sa Dakila Elementary School sa Brgy. Dakila, Lungsod ng Malolos kamakailan. Ang pagpapatayo ng mga school buildings at pagbibigay tulong sa pag-aaral ay mga prayoridad na programa ng alkalde. Ito rin ang mga magbibigay ng malalaking bentahe para muling makamit ng malolos ngayong taon ang prestihiyosong parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) Award ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ang SGLG ay karangalang sumisimbolo sa mahusay at mapanagutang pamamahala mula sa tunay at tapat na paglilingkod. purchase dopoxetine acquire Lasix lioresal reviews

MALAKI ang paniniwala ni Mayor Christian D. Natividad at mga pinuno ng departamento ng Pamahalaang Lungsod na muling mapagtatagumpayan ng City of Malolos ngayong taon ang prestihiyosong parangal sa Seal of Good Local Governance (SGLG)Award mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) markaraang sumailalim sa pagtatasa sa Regional Assestment Team ng nabanggit kagawaran kamakailan.

Ang SGLG ay rangalang sumisimbolo sa mahusay at mapanagutang pamamahala sa tunay at tapat na paglilingkod sa bayan ng mga namumuno.

Upang maging recipient nito, dapat makapasa sa tatlong core areas ang kandidatong GU tulad ng Financial Administration, Social Protection at Disaster Preparedness. Kailangang maipasa din ang tatlong essential areas tulad ng Business-Friendlinessand Competitiveness, Peace & Order at Environmental Management. Pinangunahan ni Mayor Natividad at Vice Mayor Bebong Gatchalian, kasama ang mga kawani ng city hall, buong giliw na inasistehan ang mga evaluators ng Regional Assessment Team mula sa publiko sa taumbayan. Ang nabanggit na parangal na napagwagian ng lungsod nung nakaraang taon, ay lalong higit na makakamtan ngayong taon, dahil sa kasalukuyan ay mas naging maunlad ang lungsod, naging payapa ang paligid, pumasok ang mga namumuhunan at mas naging handa kapag may paparating na kalamidad. Siniyasat din ng mga evaluators ang iba’t ibang lugar sa Malolos kasama dito ang mga eskwelahan, materials recovery facilities, at ang barangay disaster warning system.

DILG mula sa simula ng “validation process,” dahil kung muling makakamit ng Malolos ang nabanggit na parangal, nangangahulugan na makatatangap uli ang lungsod ng Performance Challenge Fund bilang premyo galing sa ahensiya, na siya namang gagamitin sa paglulunsad ng mga proyekto at programa, at maging sa paghahatid ng serbisyo Gayundin ang pang arawaraw na operasyon ng City Public Safety Office at mga departamento sa city hall. Buong pagmamalaki ring inilatag ni Mayor Natividad ang kanyang mga programa sa ilalim ng finance, disaster preparedness, education, social welfare, health, peace and order, business, environment, culture and the arts, and barangay affairs. Dahil sa nagtataglay ng matatag na ekonomiya ang lungsod, mga proyektong nakasentro para maitaas ang antas ng pamumuhay ng mamamayan, tulong sa pagaaral sa libu-libong mga iskolar, pagtatayo ng mga school buildings at mga bagong establisimento ng malalaki at kilalang kompanya, palagay ang loob ng masipag na alkalde

na siguradong mapagtatagumpayan muli ang prestihiyosong parangal. Ang SGLG ay ang pinakabagong bersyon ng Seal of Good Housekeeping na sinimulan ng dating kalihim ng DILG na si Sec. Jesse Robredo noong 2011, na naglalayong bigyang pagkilala ang mga mahuhusay na lokal na yunit ng pamahalaan na patuloy na naglilingkod ng tapat at nagsusumikap na itaas ang kabuhayan ng bawat Pilipino. “Kaya mga mahal kong Malolenyo, ipagpatuloy pa natin ang ibinibigay na suporta sa ating mga pinuno at sa Pamahalaang Lungsod at patuloy pa nating ipagmalaki at itaguyod ang progresibong Bagong Malolos,” ani Mayor Christian D. Natividad.

 

BY: RR Eleogo

SHARE
Previous articleArticle Dissertation Writing Services
Next articleMga kataga ng tagumpay ni Mayor Arthur Robes
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here