Home Showbiz Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, muntik nang magkahiwalay

Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, muntik nang magkahiwalay

382
0
SHARE

BINIGYAN ng tribute ng ABS-CBN si Sharon Cuneta sa ASAP nu’ng Linggo.

Nag-celebrate kasi ng 52nd birthday ang Megastar and at the same time ay 40th year din niya sa showbiz.

As usual ang mga magagandang awitin ni Shawie ay muling narinig sa kabuuan ng show. Nakatutuwa dahil bawat kantahin ng mga singers ay alam pa rin ng megastar at lahat ng awitin ay kanya pang sinusundan.

Kumpleto ang buong family ni Sharon na bumati sa kanya – ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at ang tatlong anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Ang panganay na KC ay hindi nakarating, pero may mensahe para sa kanyang ina.

Sa naturang show ay inamin ni Sharon na muntik na silang magkahiwalay ni Sen. Kiko nu’ng nakaraang taon.

Despite the fact, pinasalamatan ng Megastar ang asawa, buong ningning niyang sinabi: “Kiko, thank you, we’ve been through so much… so very much. We almost lost each other last year, so I praise God that the family’s together and the children are happy.”

Mensahe naman ni Sen. Kiko sa asawang megastar: “I vow to love you forever until matanda na tayo at puti na yung buhok natin Alam namin, kasi nakita naming lahat sa pamilya, na ikaw ay naluha, ikaw ay nasaktan, ikaw ay na-frustrate.

“Ngunit nalampasan mo lahat yun dahil ikaw nga ay talagang amazing, in terms of your commitment to your craft, to the industry, and we’re very proud of you.

“We love you. We’re here cheering you on. Nandito kami sa likod mo, sumusuporta, at nagmamahal sa ‘yo lagi, hanggang sa walang hanggan.”

Pinasalamatan din ni Sharon ang Kapamilya Network dahil sa kanyang pagbabalik ay binigyan siya ng mga napakagandang proyekto at hindi siya pinabayaan.

Ini-announce na rin ng Megastar na after ng movie nila ni Robin Padilla na Unexpectedly Yours na kumita sa takilya ay mayroon na rin daw siyang kasunod na pelikulang gagawin. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSylvia Sanchez inspirasyon ng mga ina
Next articleAdmirer ni Erich Gonzales, isa sa top 20 richest family sa bansa
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here