Sharon Cuneta pinagtanggol ang mga mayayaman

0
58

INALMAHAN ni Sharon Cuneta netizen na mga rich people lang daw ang natutulungan sa mga nagkakaroon ng COVID-19.

Dahil sa araw-araw ay tumataas ang bilang ng mga nabibiktima ng COVID-19 kay may post ang Megastar ng pag-iingat at sumunod sa health protocols.

Aniya, “Please naman maawa na kayo sa mga kababayan nating namamatay!!! TAO MUNA UNAHIN puede po? At tayong lahat sana sumunod sa health protocols at huwag na matigas ang ulo dahil tayon din ang napapahamak. Wear a mask. Keep social distancing. Huwag na lumabas kundi kailangan. Wash your hands. Use alcohol and sanitizer. Keep safe. May God have mercy on us all with prayer emojis”

Reply ng isang netizen, “The only person who will help you and your family will be You. No one else. Ang may pera makakabili ng vaccine, makaka swab test. They can go to the hospital anytime, May pera e! Ako wala. So ingat ingat lang ng hindi mahawa ang mga kasambahay natin. I will continue praying for All Filipino people (prayer emoji)”

Sinagot ni Shawie ang netizen, “That is no longer true. May kaibigan akong napakayaman ng kaibigan, may cancer pa, apat na araw bago makakuha ng room sa Makati Med. Wala ng kwenta que mayaman o mahirap ka ngayon. Walang sinasanto ang COVID.”

Reaksyon ng ibang netizens, “Siguro ang requirement is Mayaman + Politiko. Look at Erap.”  

“Mahirap naman ang bumoboto eh. Sila iyung matiyaga sa pila. So siguro sa susunod eh maging mapanuri na sila sa mga binoboto nila. Wag na sila uto uto. Kasi ulit ulit lang yan.”

“The funny thing is pumupunta pa mga tao sa ospital para magpagamot Kahit wala namang gamot sa Sakit na ito!”

“True, walang gamot, but u treat/ manage the symptoms in the hospital esp sa mga tinamaan ng malala at may conorbidities.”

“A lot of people with covid gets pneumonia at may gamot sa pneumonia at may ventilator para sa mga breathing issues. Also, covid makes people develop heart, blood pressure, neurological issues at marami pang iba na kailangan ng medical attention.”

“fyi may gamot naman na binibigay. Lalo na un malala ang symptoms.”
Ang isang netizen, hinahangaan daw niya ang megastar, pero di siya agree sa sagot ng singer dahil money talks pa rin daw sa kabila ng lahat.

“I maybe adore you Sharon but I dont agree with you on this 100 percent. Money really talks in general way.”

“True! Lalo na sa Pinas. Jusko tita Shawie may isang bata na nabulunan pero wlang maski ni isang healthcare profi ang lumapit kasi baka nay covid, eh di ayun namatay. Kawawa ang mga mahihirap sa Pinas. Kaya maski di ako mayaman at nasa ibang bansa, I’d rather stay where I am right now kasi maganda ang health ins at wlang pinipiling asikasuhin. Lalo na nung nanganak ako at may covid pa.”

“Saan planeta ka ba Sharon? Palibhasa nasa loob ka ng sarili mong bubble.”
“still, may chance ka pwede ka sa waiting list. Pag wala ka pera, kahit nauna ka pa sa pila, hndi ka tatanggapin”

“Sharon completely missed the commenter’s point. Money begets a certain level of importance and priority especially in our very corrupt country. Also, not everyone can afford medical bills incurred by spending months in the ICU with a ventilator. I have a friend whose whole family got infected, their hosp bills set them back 2M.”

Pinapaintindi naman ng isang commenter ang tanong sa megastar, “tanong lang po di ba madami nang gumaling sa mga hospital yung mga yun ba nagbayad ng milyon? kasi bukod sa wala nang space sa ospital kung ma aadmit man, dyan din ako takot eh sa bayarin. wala akong pambayad huhuhu sana eto ang maintindihan ng may mga perang gaya ni mega”
Sana magpasalamat na lang tayong mahihirap na madalang na nadadapuan ng pandemya.

Punahin ninyo sa kagustuhan na rin siguro ng Panginoon mas maraming nagpopositibo sa COVID na mayayaman kesa sa mga taong mahihirap.
May nabalitaan na ba kayong mga taong grasa na nakatira sa lansangan nadadapuan ba ng COVID? Di ba wala naman.

Yan lang masasabi ko marunong ang Panginoon, on my thoughts lang naman po.

Syempre, ingat pa rin po lagi at panatilihing sundin ang health protocols na laging pinapaalala sa atin ng gobyerno. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here