Sharon nasorpresa sa isyung KC at apl. de ap.

0
138

NAG-REACT na si Sharon Cuneta sa nababalitang relasyon nina KC Concepcion at ang member ng Black Eyes Peas na si apl. de ap.

Ayon kay Sharon, aware siya sa isyu ng anak sa rapper-singer.

Hindi pa raw siya kumpirmado kung totoo nga ang balita na nagdi-date na ang dalawa.

Pagbabahagi ni Sharon: “I just wish I heard it from (her) if it’s true. I didn’t even know she wasn’t coming December 31. We didn’t know. And I didn’t know we weren’t going to see her the next day. I’m worried lang on what she might be going through. It’s not like her eh so siguro kasi she’s older. As we grow older, maybe you feel less need to consult with your parents.”

Dinenay din ni Sharon na ang pagkakaroon nila ng hidwaan ni KC ay dahil sa naghiwalay na ang anak at ang French boyfriend nitong si Pierre Plassart.

Eksplika niya, “Hindi naman dahil kay Pierre. Close ako kay Pierre tapos close din ako kay KC independently. Tapos tuwang tuwa ako nung sila kasi second time around na nila and we really thought it was going there finally. So I miss Pierre because he’s a good person just like I miss Aly (Borromeo).”

Sinabi rin ni Megastar na hindi siya against kay apl. de ap kung totoo ngang nagdi-date sila ngayon si KC.

May respeto raw siya sa US-based artist.

Nasorpresa lang daw siya kaya wala siyang masabi.

“But I have a lot respect for Apl. He’s a good person,” pagtatapos ni megastar. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here