Home Rebelasyon Si Draculito, ang makulit na bampira na anak ni Dracula

Si Draculito, ang makulit na bampira na anak ni Dracula

145
0
SHARE

MARAMI ng mga naging biktima si Draculito sa isang barangay sa isang bayan sa Norte, na natatagpuang wala ng mga buhay dahilan sa pagkaubos ng kanilang mga dugo. Kaya’t gabi-gabi ay nagsasagawa ng pagroronda ang mga kalalakihan sa nasabing lugar.

Isang gabi ay masukol si Draculito ng mga nagrorondang kalalakihan at pinagtulungan siyang pagtatagain ng mga ito. Pero hindi ito tumalab kay Draculito, maliban sa tuhog ng isang tinulisang buho ng kawayan na tumagos sa kanyang didib at tumama sa kanyang puso na kanyang ikinamatay.

Matapos na humiwalay sa kanyang naging abong katawan ang maitim na espiritu ni Draculito ay napunta ito sa kaharian ng kanyang ama na si Dracula.

“Nakita mo ang nangyari sa ‘yo” Ang paninisi ni Dracula sa anak na si Draculito. “Ang takaw mo kasi sa dugo kaya tumataba ka, hindi mo na madala ang katawan mo sa bigat.”

“Huwag mo na akong sermunan Daddy at nariyan na ‘yan, Gusto ko gawin mo lang akong paniki para kung mahuli akong sumisipsip ng dugo eh, makalipad kaagad ako.” Ang sabi naman ni Draculito sa ama.

“Ang siba mo talaga sa dugo. Sige kung ‘yan ang gusto mo gagawin kitang paniki.”
Bumulong-bulong sa Dracula at pagkaraan ay biglang may namuong maitim na usok at nang mawala ang usok ay lumipad na si Draculito na naging isang maliit na paniki.

Pero sa paglipad ni Draculito ay hindi niya napansin ang isang lambat na panghuli ng mga ibon kayat nakasama siya sa mga ibong ipinagbibili.

Nang kukunin na siya ng isang lalake upang ikulong sa isang hawla ay bigla niya itong kinagat sa kamay sa pag-aakalang makakawala siya, pero hindi siya binitawan nito, at halip ay tinapakan siya at pinuputan ng ulo na naging dahilan uli ng kanyang kamatayan.

“Muli na namang nagkita ang mag-ama, “Daddy, gawin mo na lang akong garapata para sa aso na lang ako sisipsip ng dugo. Siguro safe na ako kung ako ay garapata na.”

“Wala, talagang hindi na maaalis sa ‘yo ang katakawan sa dugo. Sige gagawin kitang garapata.”

Muli namang lumabas ang maitim na usok at pagkaraan nito ay naging isang garapata si Draculito.

Lumolobo na ang katawan ni Draculito sa dami ng nasipsip na dugo sa isang asong gala na kanyang kinapitan nang biglang magkamot ang aso sa lugar na kanyang kinaroroonan at aksidenteng natuhog ng kuko ng aso ang kanyang katawan na naging dahilan upang sumabog ang kanyang katawan na humantong muli sa kanyang kamatayan.

Nagkita na namang muli ang mag-ama, “Huwag mong sabihin na may hihilingin ka na naman.Dumito ka na lang sa ating kaharian at susuplayan na lang kita ng dugo.” Ang sabi ni Dracula sa anak.

“Akala ko ba Dad mahal mo ako, at saka ayoko ng umaasa sa ‘yo, malaki na ako, I’m already an adult, remember that Daddy.”

“O Sige na nga. Ano naman ang gusto mong gawin ko sa ‘yo?” Ang tanong ni Dracula.

“Ang gusto ko gawin mo naman akong lamok. Siguro kapag lamok na ako safe na safe na ako.

Bigla na namang lumabas ang maitim na usok at pagkaraan ang naging maliit na lamok si Draculito.

Pero talaga yatang malas sa Draculito dahil hindi pa siya nakalalayo upang humanap ng bibiktimahin nang mapadaan siya sa isang nagpa-fogging ng mga kanal at aksidenteng nalanghap niya ang amoy ng kemikal na naging dahilan uli ng kanyang kamatayan.

At katulad ng dati muli na namang nagkita ang mag-ama.

Ops… huwag kang magsasalita, Alam kong may hihilingin ka naman. Ako na ang magde-desisyon kung ano ang gagawin ko sa ‘yo!”

Muli na namang lumitaw ang maitim na usok at nang mahawi itong muli ay nakita ni Draculito ang kanyang sarili na nasa loob ng isang cabinet kasama ang ilang piraso ng mga lady panty.

Maya-maya ay biglang dinampot ng kamay ng isang babae si Draculito at idinikit siya sa harap ng isang panty at saka isinuot, at doon ay napagtanto ni Draculito na ginawa pala siyang panty liner ng kanyang ama para sa mga babaeng may monthly period.

Wala lang maisip. Sana po ay napatawa kayo kayo sa maikling kwentong ito!

See you next week. GOD Bless po sa ating lahat…

SHARE
Previous articleTamang paraan ng paggamit ng social media gagawing extra curriculum
Next articlePolitical mudslinging in Bulacan for the 2019 elections has started?
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here