Home Simple Lang Si Juan dela Cruz, ang mga negosyante at ang gobyernong Pinoy

Si Juan dela Cruz, ang mga negosyante at ang gobyernong Pinoy

42
0
SHARE

PARANG niloloko na tayo ng mga negosyanteng ito ng gasolina dahil sa taas- baba ng presyo ng kanilang mga ibinibentang produkto.

Isipin naman ninyo ang ginagawa ng mga negosyanteng ito ng gasolina- magbababa sila ngayong araw ng 50 sentimos kada litro pero pagkaraan ng ilang araw eh magtatas naman ng piso.

Kaya ang nangyayari kabi-kabila tuloy ang mga welga at kilos protesta ng mga tsuper, mga manggagawa at mga estudyante, dahil kapag ang presyo nga naman ng gasolina ay tumataas, asahan na natin na lahat ng mga produkto ay tataas.

Ang krudo at gasolina ay isa sa pinakamahalagang sangkap upang tumakbo ang ekonomiya ng lahat ng mga bansa sa buong mundo, pero sino nga ba ang dapat na sisihin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ating bansa? May pananagutan ba dito ang ating gobyerno, o ang mga namumuhunang negosyante na sumasamba sa pera.

Madalas ko tuloy naitatanong sa aking sarili kung kumikilos ba talaga ang ating gobyerno upang makatulong sa mga mahihirap na mamamayan o ginagamit lamang tayo ng mga mga inilagay nating lider ng pamahalaan para sa kanilang pansariling kapakanan.

Pansinin n’yo ang mga pulitiko kapag panahon ng eleksiyon, di ba santambak na mga pangako ang dala-dala sa mga botante, pero kapag naka-upo na ay puro mga pangako pa rin ang palaging sinasabi.

Iisa lamang ang nakikita kong dahilan sa ugat ng kahirapan… ang salapi, dahil ito ang nagpapakilos sa lahat ng mga bagay. Magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay, dahil kapag wala kang pera tiyak na hahanapin mo ito, at kapag may pera ka na gusto mo naman madagdagan pa ito. Talagang walang kasiyahan ang tao.

Ang mga negosyantre ay nagpapatubo upang lumago ang kanilang puhunan, at upang sila ay kumita, kailangang dagdagan nila ang presyo ng kanilang mga produkto, At kapag mataas na ang presyo nito dito naman kikita ang ating gobyerno sa pamamagitan ng kanilang ibinabayad na buwis, at kapag may kita na ang ating gobyerno, diyan na magsisimula ang kurapsyon na gawa ng ilang mga matatakaw na opisyal ng ating gobyerno.

’Di ba ganyan naman talaga ang takbo ng buhay ng mga mahihirap na Pinoy, na palagi na lamang agrabyado ang pamumuhay sa araw- araw.

Hay naku, saan na kaya patutungo ang kaawa-awang buhay ng mga anak ni Juan dela Cruz. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleTao rin ang may gawa kung bakit palaging may baha
Next articleSulat ng ama at ina sa kanilang anak na nag-aaral!
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here