Home Bayanihan ng Bayan YES FOR PEACE SIGAW NG BAYAN: “NO TO WAR”

SIGAW NG BAYAN: “NO TO WAR”

405
0
SHARE

NOONG kasagsagan ng 31st ASEAN Summit, kabi-kabila ang mga kilos-protesta lalong-lalo na sa pagdating dito ni President Donald Trump dahil daw sa patuloy na imperyalismo ng Estados Unidos at ang dala-dala nitong banta ng giyera laban sa North Korea?

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ganito ang pananaw ng mga nagpo-protesta.

Hindi ba nila alam na ang ASEAN ay binuo para sa economic cooperation ng mga bansang miyembro nito? Hindi ba nila alam na dahil sa ASEAN lumawak ang market ng mga produkto ng Pilipinas na naging daan kung bakit umunlad ang mga industriyang may competitive advantage tayo  kaya’t unti-unting nawalan ng nakasasakal at mapagsamantalang impluwensiya ng imperyalismo ng Estados Unidos dito sa Pilipinas?

Hindi ba nila alam na regional peace and security ang isa sa primary agenda ng ASEAN? Hindi ba nila alam na kasama sa pinag-usapan at pinagkasunduan ay kung paano reresolbahin ang suliranin natin at ng Tsina sa panghihimasok nito sa mga islang pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea?

Hindi ba nila alam ang mga ito o sinasadya lang nilang hindi nila alamin para mapaniwala nila ang sarili nila sa mga paniniwala nilang pinaglumaan na ng panahon?

Ang isa sa mga isinisigaw nila ay, “NO TO WAR”. Walang kaduda-dudang kapanalig nila ang halos lahat sa atin sa panawagang ito.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ayaw rin nila sa “YES FOR PEACE” natin.

Leading daw ang mga tanong natin tulad ng, “Sang-ayon po ba kayo na permanente nang itigil ang labanan sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno at ng mga armadong rebolyusyonaryo para mailaan na ang bilyon-bilyong pisong pondo na nauubos sa giyera ng mga Filipino laban sa kapwa Filipino para magamit ito sa edukasyon, kalusugan, pabahay, pagsugpo ng kahirapan, pagpapalakas ng kababaihan, pagpapa-unlad ng kanayunan at iba pang mga makabuluhang serbisyo-publiko para sa Sambayanang Filipino?”

Sa kabila ng katotohanan na mahigit 98% ng mga sumagot sa tanong na ito ang sumagot ng YES, ipinagpipilitan nilang mali daw ito dahil lahat naman daw tayo ay YES naman ang isasagot sa tanong na ito.

Sa katunayan, napilitan ang Department of Education (DepEd) na pag-aralang muli ang pagpapatupad ng YES FOR PEACE dahil sa pangungulit ng kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa budget hearing sa House of Representatives kung sinu-sino daw ang nasa likod ng Yes for Peace kamakailan.

Bakit? Mali po bang mag-establish ng national consensus para mapagkaisa ang Sambayanang Filipino sa iisang layunin at paninindigan – “NO TO WAR”?

Sa totoo lang, 1996 pa isinusulong ng DepEd ang Yes for Peace. Hindi naman ako maniniwala na hindi alam ng ACT na ang DepEd National Employees Union (DepEd NEU) ang nagtutulak ng Yes for Peace sa nakalipas na mga taon. Sa katunayan, magkaalinsabay ang paglaki ng hanay ng DepEd NEU na ngayon ay mas malaki na sa ACT (kahit na nauna nang ilang dekada ang ACT) sa pagdami ng mga handang  makipag-Bayanihan para sa Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganahan sa buong bansa na sa ngayon ay umabot na sa mahigit 15 milyon mula nang umpisahan natin sa Unibersidad ng Pilipinas ang Yes for Peace noong 1988.

Mali nga ba ang tanong o mapapatunayan lang natin na halos wala namang sumusuporta sa isinusulong nilang armadong pakikibaka upang magkaroon ng pagbabago sa sistema?

Kung seryoso po sila sa panawagan nilang “NO TO WAR”, hindi ba dapat ay tigilan na nila ang pakikipaglaban nila sa mga sundalo at pulis na ikinamatay ng isang batang apat na taong gulang pa lang sa Mindanao?

Hindi ba dapat mag “YES FOR PEACE” na sila?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here