Home Taklesa Signal ng Globe sa Malolos, pahina ng pahina. Anyare?

Signal ng Globe sa Malolos, pahina ng pahina. Anyare?

323
0
SHARE
An opinion column of Rosseth Eleogo

KUNG ano ang bagal ng signal ng Globe Home Broadband sa Malolos, ay siya namang bilis nitong maningil ng monthly dues. Advance sila kung magpadala ng notice para sa monthly dues pero napakahina naman ng kanilang signal. Ang siste pa mga ka-Taklesa, kapag delay ka ng ilang araw sa dues, super bilis naman kung mamutol ng linya.

Sa pag-aakala kong mabilis ang signal sa Lungsod ng Malolos, napagdesisyunan namin na magpalagay nito. Buwan ng August 2017 nung maikabit ang Globe Home Broadband sa bahay sa Plan P1,299 monthly na may kaakibat na 5mbps at 400gb buwan-buwan.

Umabot sa P1,499 ang initial cash out ng kabitan ako ng Globe Broadband dahil may P200 connection fee umano. May libreng landline phone ang naturang promo na napili ko na hindi man lang ipinaliwanag sa inyong lingkod na hindi ito puede sa text massage kundi sa call lang na nalaman ko after kong magbayad ng aking monthly dues sa kanilang opisina sa Robinson’s Supermarket sa tabi ng Bulacan State University.

Ayon sa representative ng Adflix Solutions Manpower Services sa siyang may hawak ng Globe Home Broadband dito sa Malolos, sa unang 3 buwan umano ay P1,800 ang magiging monthly payment ko dahil kabayaran umano sa mga gadgets ang karagdagang P500. (Kala ko libre yung landline phone, may bayad din pala.)

Nang ikinakabit ng kanilang technician ang outdoor antenna ng nasabing broadband ay naitanong ko dito kung saan kukuha ng signal since nakatapat sa may bandang McArthur Highway ang antenna ng broadband.

“Sa may bandang Radio Veritas daw dahil may bago silang tayong tower dun,” sagot ng technician.

Sa unang buwan ay masasabi kong mabilis ang signal ng Globe Home Broadband. Since may online site kami na mina-manage maliban sa diyaryo, swak na swak ang signal ng naturang promo ng Globe Broadband sa aming trabaho.

Pero makalipas ang 2 buwan at hanggang sa kasalukuyan, take note, hanggang sa kasalukuyan, ay mahina ang signal nito. As in “superhina at super bagal to the max” kaya dismayado ang lola n’yo.

Asan na yung 5mbps at 400gb data allocation monthly na sinasabi n’yo! Asan ‘yung ipinagmamalaki ninyong “24 minutes and 58 seconds lang ang pagda-download ng isang full-length movie,” ’eh, nung minsang mag-download ako ng pelikula, sinimulan ko ng gabi, mantakin n’yo, nakatulugan ko na at pag-gising ko ng umaga, hindi pa tapos mag-download. Nakakaloka! Puro lang kayo drawing! Pwe.

Inireklamo ko na sa kanilang opisina ang napakabagal na signal ng Globe Broadband pero ang tanging sagot sa akin ng babaeng empleyado na nakausap ko ay mahina raw diumano kasi ang signal ng naturang broadband sa area kung saan nakakabit ito.

Huh…! Ano! Mahina ang signal, ’eh, bakit nung ikinakabit ng technician ang antenna ng Globe ang broadband ay nasambit nito na malakas na umano ang signal nila dahil nga sa pagkakaroon ng tower sa may area ng Radyo Veritas sa kahabaan ng McArthur Highway. Sinungaling!

Ang siste pa mga ka-taklesa, kung ano ang ibinilis ng kanilang paniningil ng monthly dues, ‘yun naman ang bagal ng kanilang signal. Kainis…

Tinatawagan ko nang pansin si Mr. Andrian C. Pagtalunan, ang may-ari ng Adflix Solutions Manpower Services na siyang accredited Contractor ng Globe Telecom dito sa City of Malolos na kung puede (kung puede lang naman) ay paki-ayos po ang signal ng Globe Home Broadband n’yo. Kaya hindi nakapagtataka na marami ng kayong customer ang lumipat na sa ibang telecom company. Hindi na kayo nakakatuwa!

Kaya ’yung mga nagbabalak diyan na magpakabit ng Globe Home Broadband, huwag n’yo nang ituloy. Kung gusto n’yo pang humaba ang inyong buhay at makaiwas sa sakit ng ulo, huwag magpakabit ng Globe Home Broadband. Mabilis lang sila kapag maniningil ng monthly dues. Wala ng iba!

Nakatakda na ang paglipat ko sa PLDT Fibr. Wala ng initial cash-out, after two months pa ang simula ng pagbayad ng monthly dues na P1,200 at ang maganda pa ay malakas ang signal nito.

Saan ka pa!

Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Lipat na!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

(Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350).

SHARE
Previous articleMga patok at masarap na pagkain ng bansang Japan
Next articleBulacan officials claim murder charges have no basis
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here