Home Katropa Rumoronda Silang magagaling na alkalde

Silang magagaling na alkalde

35
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

WALANG pasubali na ang pagpapalinis ng mga kalsada at pagpapaalis ng mga sagabal sa daanan ng mga tao, tulad ng mga illegal vendors sa Quiapo, Divisoria at Claro M. Recto, idagdag pa ang pagpapalinis sa dambana ni Gat Andres Bonifacio sa lugar ng Lawton, ay malaking bagay na ginawa ni Manila Mayor ISKO Moreno. Sinampulan din ni ISKO ang isang Kotong na traffic Enforcer na nahaharap ngayon sa kasong kriminal dahil sa pangongotong, habang isinusulat ito, ay nakatakdang sampahan ito ng kaso.
Tsk! Tsk! Tsk! Bakit hindi ginawa iyan ng mga nakaraang administrasyon?

Tila napabayaan at ginawang gatasan ang dumi ng Kamaynilaan? Ilang beses na rin pinuna ng Katropa sa ‘Social Media’ noon ang kasikipan ng daanan sa Divisoria, gayundin ang mga basurang nakatambak sa mga ilalim ng LRT at sa Recto na tila hindi kinokolekta? Ngayon mas bata, at ‘concern’ sa buhay ng mga ‘batang Maynila’ ang nanalong Alkalde, tiyak na muling mabubuhay at kikilalanin ang Maynila sa liderato ni Mayor ISKO. Mabuhay ka Mayor ISKO!

*****
Dumako tayo sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) kung may Mayor ISKO ang Maynila ay mayroon ding isang magaling na Mayor ang LSJDM, sa katauhan ni Mayor ART Robes. Para sa hindi pa nakababatid, ng maupo bilang Alkalde si Mayor ART, ay agad niyang pinalinis ang kapaligiran ng LSJDM. Ang dating pinamumugaran ng mga ‘illegal vendors’ na daanan ng mga tao sa palengke ng Sampol, ay kanyang iniutos na linisin. Ngayon ito ay maluwag na nadadaanan na ng mga sasakyan.

Sa ‘Area of Governance’ ay maayos na naisasagawa ng Administrasyong Robes ang pamamahala, na may kinalaman sa pangangasiwa sa pananalapi, sa larangang ito ay napagkalooban ang Administrasyon ng parangal. Laging listo pagdating ng dilubyo sa Lungsod, “Disaster preparedness,’ sapagkat sinanay ang mga taong sangkot dito. Ito pa ang isa, ang pagiging ‘awardee’ sa pangangalaga ng kapaligiran, gayundin sa panlipunan, talaga namang pinapangalagaan ng husto ng Administrasyon Robes.

Ang pagpapasaya sa madla, kaya naman ang Tourism, Culture and the Arts, ay maraming inihahandang proyekto para sa mga mamamayan, lalo na ang paghahanda sa darating na Tanglawan Festival, at iba pang bagay na magugustuhan ng mga San Josenios.

Ang patuloy na pagyabong ng negosyo sa Lungsod. ‘Business friendly’ ang Lungsod, kaya nga patuloy ang pag-amuki sa mga nais na magtayo at mangalakal sa LSJDM. At naturalmente ang katiwasayan at kaayusan ay isa sa pangunahing binibigyan ng pansin ng ating magagaling na lider sa LSJDM. Kahit malaki ang sakop ng LSJDM ay nakakaya ng ating mga Alagad ng Batas na pangalagaan ang Siyudad at proteksiyunan ang mamamayan.

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan sina Mayor ISKO at Mayor ART, parehong matikas at magaling! Nitong nakaraan lang, nakatanggap tayo ng ‘info’ kung anu-ano na ang nangyari sa LSJDM. Nagkaroon ng ‘Awarding of assistance device,’ pinangunahan ni Mayor ART Robes ang pagbibigay ng wheel chair sa LSJDM, pagkakaloob ng mga dump trucks sa Brgy Gaya-gaya at Muzon.

May pagsasanay ‘on fundamentals of good governance, road widening sa may lugar sa Paradise, Inspection of terminal at diyalogo sa TODA
Paghahanda sa Sining Tanglawan Citywide Arts workshop, nagkaloob ng mga biik at iba pang may kaugnayan sa pagaalaga ng baboy.

‘Emergency shelter assistance,’ patuloy ang ‘census of families living in dangerous areas, clean up activity’ sa ‘creek’ng Brgy Minuyan at maraming iba pang aktibidades na isinasagawa ng Administrasyong Robes paborable sa mga San Josenios.

Para sa nais na magpalathala narito ang ating email: billones@ralo.org, Hanggang sa muli! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePD Col. Chito Bersaluna hindi nagpa-apekto sa ulat ng AI
Next articleKumbinyenteng biyahe sa P2P bus
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here