Home Simple Lang Singkaban Festival: The Mother of all Fiestas in Bulacan

Singkaban Festival: The Mother of all Fiestas in Bulacan

92
0
SHARE

ANG Linggo ng Bulacan na mas kilala ngayon sa tawag na “Singkaban Festival” ang siyang pinakatampok at magarbong pagdiriwang na isinasagawa sa lalawigan ng Bulacan sa loob ng may isang Linggo o pitong araw. Tinawag din itong “The Mother of all Fiesta’s” sa lalawigang ito dahilan sa natatanging pagdiriwang na isinasagawa dito ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ibayong paghahanda ang ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa okasyong ito, dahil Ito ang panimulang pagbubukas sa okasyon ng paggunita sa araw ng Unang Kongreso na itinatag sa bayan ng Malolos (ngayon ay Lungsod ng Malolos) sa pangunguna ng naging unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Heneral Emilio F. Aguinaldo.

Ang Singkaban Festival ay pormal na bubuksan sa taong ito sa ika– 10 araw ng buwan ng Setyembre at magtatapos naman sa ika-15 araw ng buwan ding ito, na siya namang araw ng pagguntta sa “Unang Kongreso ng Malolos o ang The First Malolos Congress of The Philippines

Maraming mga palatuntunan ang nakapaloob sa okasyong ito na ngayon ay nasa ika-31 taon na ng pagdiriwang, at pormal na binubuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang banal na misa na itinakdang ganapin sa Bulacan Capitol Gymnasium, kasunod ang parada ng mga magagandang karosa mula sa 21 munisipalidad at 3 mga lungsod ng Bulacan.

Dinarayo hindi lamang ng mga residente sa loob at labas ng lalawigan ng Singkaban Festivasl, kundi maging ng mga turista dahil sa nakaaaliw at kasiyahang idinudulot nito sa loob ng may pitong araw.

Marapat lamang siguro ang mga ganitong selebrasyon para sa magagandang kasaysayang naitala sa aklat ng Bulacan, dahil sa mga kasaysayang ito ang mga Pilipino ay nakapamumuhay na ngayon ng malaya. Kung wala ang ating mga kasaysayan ay wala rin ta-yong kalayaan at demokrasyang tinatamasa ngayon ng ating minamahal na bansa.

Magarbo man o hindi ang pagdiriwang sa ating mga kasaysayan ay balikan pa rin natin ang mga sandali ng nakaraan na may positibong pananaw at may kalakip na malasakit at katapatan sa ating bayang Pilipinas, at higit sa lahat ay ang pagmamahal sa ating kapwa.

Maraming salamat sa ating mga nasawing bayani na hindi na nasilayan ang kanilang mga ipinaglabang kalayaan.

Mabuhay ang “Unang Kongreso ng Malolos

Happy Singkaban Festival po sa ating lahat…

SHARE
Previous articleBalitang droga at sa Bulacan
Next articleSino nga ba talaga si Gat. Marcelo H. Del Pilar, aka Plaridel?
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here