Home Rebelasyon Sino nga ba talaga si Gat. Marcelo H. Del Pilar, aka Plaridel?

Sino nga ba talaga si Gat. Marcelo H. Del Pilar, aka Plaridel?

75
0
SHARE

MINSAN, may isang babaeng estudyante sa high School na pauwi na siguro ng kanilang bahay ang aking nasalubong sa daan. Tinanong ko agad siya kung sino si Doktor Jose Rizal, at mabilis naman siyang sumagot na “Di po ba siya ang ating pambansang bayani.”

“Eh, si Plaridel ba kilala mo rin ba?” “Opo, di ba si Marcelo del Pilar po ‘yun?

“Ano naman ang pagkakilala mo kay Plaridel?” Hindi siya sumagot pero isang patagong ngiti lamang ang nakita ka sa kanyang mukha, na parang naging sagot niya sa aking huling naging taon. Dito ko na nahalata wala siyang alam sa tunay na pagkatao ng kanyang kalalawigang bayani na si Gat marcelo H. del Pilar ng bayan ng Bulakan.

Hindi na tayo magtataka kung bakit napakaliit lamang ng kaalaman ng mga nakararami sigurong estudyanteng Bulakenyo sa pagkatao ng bayaning propagandista na si Marcelo H. del Pilar na mas kilala sa kanyang mga panulat na si Plaridel, dahil nagkulang siguro ang mga paaralan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon sa kasaysayan ng buhay ni Plaridel.

Hindi sapat na alalahanin lamang natin ang ika- 30 ng Agosto ng bawat taon, upang gunitain ang araw ng kanyang kapanganakan, kundi marapat lamang na ipakalat din natin at isama sa mga curriculum ng bawat paaralan sa Bulacan ang kasaysayan ng kanyang pagiging isang bayaning Bulakenyo.

Ako man sa sarili ko noong ako ay paslit pa at nagsisimula pa lamang na tumuntong ng paaralan ay kakaunti rin ang aking mga nakuhang kaalaman tungkol sa ating mga dakilang bayani, at aminado rin ako na noon ay hindi ko rin alam na si Marcelo H. del Pilar ay isa palang Bulakenyo.

Kaya dapat siguro ay gumawa ng mga hakbangin ang ating mga lokal na pamahalalan sa Bulacan na palawakin pa ang kaalaman ng mga kabataang estudyante sa kasaysayan ng ating mga bayani lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang na hasain ang kalaman sa pamamagitan ng edukasyon, dahil sa aminin man natin o hindi, talagang kulang na kulang sila sa mga impormasyon at kaalaman sa kasaysayan ng ating lalawigan.

Isang makulay at mapagpalang pagdiriwang ng “Singkaban Festival 2018” sa ating lahat.

Mabuhay ang lalawigan ng Bulacan. GOD Bless po sa ating lahat.

SHARE
Previous articleSingkaban Festival: The Mother of all Fiestas in Bulacan
Next articleMayor Christian D. Natividad, patok sa mga Bulakenyo
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here