Sinuspinde nga ba ng Comelec ang proklamasyon ng mga nanalo sa Barangay at SK Elections?

0
246

SUSUSPENDIHIN daw muna ng Commission on Elections (Comelec) ang nakatakdang proklamasyon ng mahigit sa 1,000 mga youth candidates na nanalo sa katatapos na Barangay at SK Elections, na isinagawa sa bansa nitong nakaraang Mayo 14 ng kasalukuyang taon, ito ay makaraang makumpirma ng nasabing komisyon na may mga naganap umanong ilang mga paglabag sa ipinatutupad na probisyon sa Anti- Dynasty Law para sa SK candidates.

Sinabi daw ni Comelec Acting Chairperson Al Pareño, na lumagpas ang karamihan sa mga kabataang kandidato sa ipinatutupad na age limit o age requirements, gayundin sa nasabing batas, at nag-aalala umano sila na baka may mga over age na mga kandidato sa SK elections ang makapanumpa, kaya’t pansamantala muna nilang sususpindihin ang proklamasyon ng mga nanalong kabataan upang matiyak nila na ang mga nanalo sa halalan ay nakatupad sa mga polisiya at alituntuning ipinatutupad ng komisyon.

Sinabi pa ni Pareño, na sususpindihin din nila ang proklamasyon ng mga nanalong barangay Captain at Kagawad, dahil may mga pangyayari rin umano na may nanalong hindi naman tagaroon sa lugar kung saan sila nag-sumiti ng kanilang Certificate of Candidacy o COC.

Dagdag pa ni Pareño sa kasalukuyan ay nasa 4,000 hanggang 5,000 na katulad nitong mga kaso ang under review pa hanggaan sa kanilang tanggapan kahit nakaraan na ang 2018 Barangay and Sanggu niang Kabataan elections.
Sinabi naman ni Commssioner Louie Guia, na kanilang ipatutupad ang tinatawag na “Procedure for Succession”, kapag ang isang nanalong kandidato sa barangay o sa SK elections ay napatunayang may paglabag at pinawalang- saysay ang kanyang pagka-panalo.

Patay kang bata ka kapag napawalang bisa ang panalo mo. Sayang na ang pagod mo sa pangangampanya, nasayang din ang perang ginastos mo!
Hay naku, ang pulitikang Pinoy nga naman, parang sirang plaka, pabalik-balik…mahirap ispilengin. Sala na sa init, sala pa sa lamig.

Sa mga natalong kandidato, condolence po sa inyo; At sa mga nanalo namang kandidato, mabuhay kayo …hanggang gusto n’yo.

Kita kits po uli tayo sa next week isyu…GOD Bless po.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here