Home Opinions SKIFI Foundation, tunay na may malasakit sa mga katutubo

SKIFI Foundation, tunay na may malasakit sa mga katutubo

42
0
SHARE

PORMAL ng kinoronahan ang Fouding Chairman at Executive Officer ng Sulong Katutubo Foundation (SKIFI) na si Princess Amirah Magdangal na ginanap sa Isulan City sa Sultan Kudarat sa Mindano nitong Nobyembre 10, 2018.

Princess Amirah Magdangal

Isa ang inyong lingkod sa mga mapalad na inanyayahan sa ginawang koronasyon sa napakabait na pilantropong ale na meron mga inaalagaan na hindi bababa sa isang daan libo na miyembro na puro mahihirap at mga kapus palad na mga katutubo.

Patuloy na sinusuportahan ng kaniyang foundation na karamihan ay nasa parteng Visayas, Mindanao at Region 3 at halos hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao ang pinagdausan ng nasabing parangal kay Princess Magdangal.

Nakangiti ang mga dumalo sa pagpuputong korona nang magsi-uwian sa kanilang mga tahanan dahil may mga bitbit na mga ipinamigay na bigas at mga groceries habang ang iba naman ay nanalo pa sa raffle at contest. Hindi po ba Sir Cid or Bonggit at Sir Wilfredo Nieves? Hehehe.

Sumunod na tinungo namin nu’ng Martes ang Floridablanca sa Pampanga para mamahagi rin ng tulong sa 3,000 mga katutubo duon at sumunod na araw ay namigay din ng mga bag at gamot sa Baler Aurora Provincial Police Station.

Nasabi sa atin ni Mam Amirah na marami siyang pangarap para sa mga Indigenous People na kanilang tinutulungan. Hindi anya matatapos sa pagbibigay lamang ng tulong para sa livelihood at burial financial ang gusto niyang maibigay sa mga ito kundi pati na rin ang pagbibigay ng pabahay para matiyak niya na maayos ang magiging kalagayan ng mga mahihirap na katutubo.

Nagbigay din ng mensahe ang napakabait na Prinsesa na sa Sultan Kudarat bilang isa na sa miyembro ng mga Maharlika sa Mindanao, na kailanman ay ayaw niyang pasukin ng mga pulitiko at magamit ang kaniyang mga miyembro para sa pulitika at kahit na mismong siya ay wala umanong balak sa kahit na anong posisyon sa gobyerno. Sapat na umano ang tumulong siya na walang hawak na kapangyarihan at puwesto para maglingkod.

Nagpapasalamat po tayo sa mga tumanggap sa atin sa Sultan Kudarat sa Sattelite Camp 8th Division sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat ng Moro National Liberation Front (MILF) NasCom lalo na kay over all Chairman NasCom Mindanao Mokthar “Moks” Esikili. Maraming salamat po sana ay makabalik ulit kami diyan sa lugar ninyo mga Sir!

 

*****

May-ari ng Sampaguita Hotel sa Davao City, gahaman sa pagpapasweldo

Nakatanggap tayo ng reklamo galing sa mga room attendant na nagtatrabaho sa pansamantala nating tinigilan na hotel sa Davao City sa panulukan ng Quirino at Camus Street.

Kuwento sa inyong lingkod ng mga empleyado duon na halos maiyak na ay sa tagal na nila bilang empleyado sa nasabing hotel na pagmamay-ari ng isang Mr. Tacudao ay P200 lang ang pinapasahod sa kanila ng ganid at gahaman na may ari nito.

Samantalang ang Provincial Rate sa Davao City ay nasa P370 na at hindi rin di umano nasunod ito sa pagbibigay ng mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth at iba pa.

Mukhang hindi takot ang katulad ni Mr. Tacudao sa Pamilya Duterte at duon pa nagkakalat ng basurang kawalanghiyaan ang mamang ito sa lugar pa mismo ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Ayon pa sa mga empleyado ng naturang hotel ay napakarami umano nitong mga sangay kaya nagtataka sila kung bakit hindi umano sila mabigyan ng tamang suweldo at benepisyo?

Nanawagan tayo kay Mayora Sarah Duterte-Carpio at gayun din sa Pangulong Duterte na paimbestigahan ang mga hotel nitong si Tacudao na yumaman na sa sobrang pagpapahirap sa kanyang mga empleyado at mukhang tinatawanan lang ang DOLE dahil hindi ito sumusunod sa Salary Standardization Law.

Mr. President Sir! Sabi po n’yo ikaw ay “Garbage Man” meron pong basura sa Davao City na ang pangalan ay si Tacudao na may-ari ng mga Sampaguita Hotel. Papuntahin na po ninyo ang mga taga BIR, Business Permit Office at Department of Labor para linisin at ilagay ang tao na ito sa basurahan dahil kinakawawa ang inyong mga kababayan na nagtatrabaho sa kanya. Alam kong titino ang taong yan sa isang kumpas mo lang ng iyong kamay na bakal. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here