Home Sumbungan Ng Bayan Smoking ban nationwide, dapat higpitan

Smoking ban nationwide, dapat higpitan

162
0
SHARE

MULA nang pairalin at maging batas ang anti-smoking ban nationwide ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay tila wala namang napapaulat na naaaresto o napapatawan man lamang ng  parusa na kung saan ay patuloy pa rin umanong namamayagpag ang karamihan sa kanilang masamang bisyong paninigarilyo

Ayon sa report na nakarating sa Sumbungan ng Bayan, marami pa rin umano ang matitigas ang ulo na karamihan ay mga kabataan pa na nag-aaral sa mga secondary school, colleges ang patuloy ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Dapat umanong paigtingin ang kampanyang ito sa pamamagitan ng police operations at isabay na rin siguro ang paghihigpit sa mga kabataan na umiwas sa bawal na gamot at pag-inom ng alak ng mga estudyante sa labas ng eskuwelahan sa panahon ng kanilang klase.

Tutal anila, ang tanging hangarin ng Pangulo ay ang mapaganda ang  kinabukasan at hinaharap ng mga kabataan, ngayon na rin siguro ang tamang panahon upang masagip ang karamihan na nalululong sa sugal, alak at sigarilyo.

 

*****

PATULOY  namang  inalerto ni Central Luzon Rgional Police Director Chief Supt. Amador Corpuz ang kanyang kapulisan upang masiguro ang kaayusan at katahimikan sa papalapit na Asean Summit na gaganapin sa Clarkfield, Pampanga nitong November 16-17 ng taon.

Kasabay naman ng paglulunsad ng ‘manhunt operations’ sa ibat-ibang bahagi ng kanyang nasasakupan na kung saan ay 8 katao na may ibat-ibang kasong criminal ang naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Pampanga, Bulacan at Nueva Ecija.

Ayon kay Gen. Corpuz, may mga nakabinbing kaso ang mga suspek na hindi na pinangalanan na kung saan ay may mga warrant of arrest mula sa  ibat-ibang korte na nakapiit ngayon sa magkakahiwalay na detention cell.

Tatlong mga pugante rin ang naiulat na nasakote sa magkakahiwalay na lugar sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng CIDG-Camp Olivas at ng PRO3. Naging Peaceful naman ang nakaraang Undas sa buong Central Luzon.

 

Congrats po…….

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here