‘Social Distancing’ ’di pinaiiral sa Malolos?

0
1235

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Ito ang klase ng social distancing na nagaganap sa palengke ng lungsod ng Malolos tuwing umaga sa kabila ng meron pang ‘clustering’ na tinatawag ang naturang lungsod.

Marahil ay hindi alintana sa mga Malolenyo ang nakamamatay na sakit na maaaring dumapo sa kanila.

Wala nga bang pakialam ang City Government o ng PNP Malolos sa kasalukuyang nangyayari sa palengke ng nasabing lungsod?

Baka naman po puede natin gawaan ito ng paraan. Higpitan po natin ang pagpapatupad ng social distancing dahil ito lamang ang tanging daan upang mahinto ang paglaganap ng COIV-19.

Isa ang Malolos sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Bulacan. At as of April 7 ay may walo (8) nang confirmed cases ang lungsod, 4 dito ang patay. Meron din po ang lungsod ng 26 patients under investigations (PUI) AT 866 persons under monitoring (PUM).

Nais pa ba ng mga Malolenyo na tuluyan pang dumami o madagdagan ang bilang ng mga naapektuhan ng coronavirus?

Kung sa ibang bayan ay doble pag-iingat dito, dito sa Malolos naman ay doble luwag. Hindi yata alam ng mga taga-lungsod ang mga katagang “social distancing”?

Disiplina naman Malolenyo, kung nais nating matapos na ang laban sa COVID-19.

Kaya natin ito kung tayo ay sama-sama! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here