Home Kakampi Ng Masa Social Security Act 2018 ng SSS para sa kabutihan ng mga OFW

Social Security Act 2018 ng SSS para sa kabutihan ng mga OFW

42
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan, tiniyak ng Social Security System (SSS) na ipinatutupad nila ang mga probisyon na itinatakda sa ilalim ng Batas Republika 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Na una ng pinagtibay ng mga mambabatas na makapagbigay ng makabuluhang social protection sa lahat ng Pilipino bansa at sa ibayong dagat.

Ang batas na ito ay produkto ng malalim at mahabang diskusyon sa pagitan ng SSS, mga stakeholder, at mga kongresista.

Kung saan ang pamunuan ng SSS, ay nagsagawa nang pampublikong konsultasyong bago at matapos maipasa ang Social Security Act of 2018.

Kabaligtaran sa mga naunang pahayag ng ibang mga sektor particular na ang komunidad ng Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi sila kinonsulta sa pagbalangkas ng batas.

Kung natatandaan ninyo mga ’igan, ginanap ang pagdinig ng pampublikong konsultasyon para sa SSS Act of 2018 noong Marso 1 at 4 sa Cebu at Manila habang nagkaroon din nang hiwalay na pampublikong konsultasyong noong Abril 29 patungkol sa mandatory coverage ng OFWs sa ilalim ng batas.

At ito’y dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Filipino Association of Mariners’ Employment Inc., Philippine Association of Service Exporters Inc., Joint Manning Group, Associated Marine Officer’s and Seamen’s Union of the Philippines, at Coalition of Licensed Agencies for Domestic and Service Workers Inc.

Nilinaw rin ng ahensya na dapat tingnan ang SSS bilang isang paraan ng pag-iipon at hindi karagdagang gastusin.

Guys, may pitong benepisyo ang SSS na maaaring makuha ng mga OFWs tulad ng pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro, pagpapalibing, pagkamatay at pagkawala ng trabaho.

At batay sa datos ng ahensya, umabot lamang sa 325,601 ang bilang ng mga OFW’s na nakapagbayad lamang ng isang buwang kontribusyon.

Mababa ito kung ikukumpara sa 2.3 milyong OFWs na naitala ng Philippine Statistics Authority sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Office mula Abril hanggang Setyembre 2018.

Pinabulaanan din ng ahensya ang mga pahayag ng ilang OFW’s na hindi nito ginagawa ang kanilang trabaho na mangolekta ng kontribusyon mula sa mga miyembro sa pamamagitan ng kanilang mga employers.

Katunayan sa bagong talaan ng SSS malaki ang itinaas ng koleksyon ng kontribusyon mula sa mga miyembro simula ng umupo sa pwesto ang kasalukuyang administrasyon .

Mula sa P132 bilyon noong 2015, P144 bilyon noong 2016 na naging P159 bilyon noong 2017 at P181 bilyon noong 2018.

Sa ilalim ng kasalukuyang panunuan,ang pagtaas ng koleksyon ay dulot ng agresibong pangongolekta sa pamamagitan ng implementasyon ng Run After Contributions Evaders,(RACE) ang bersyon ng SSS ng Operation Tokhang at ang pag-iisyu ng Warrants of Distraints, Levy, and Garnishment sa mga delingkwenteng employers.

Ipinaliwanag ng ahensya na hindi lahat ng 36 milyong rehistradong miyembro sa SSS ay tuluy-tuloy na nagbabayad ng kanilang buwanang kontribusyon.

Ang ilan sa kanila ay nagparehistro lamang upang makakuha ng SSS number habang ang iba naman ay isang beses lamang na nagbayad ng kanilang kontribusyon.

Guys, seryosohin ninyo ang pagbibigay ng kontribusyon sa SSS dahil ito’y malaking tulong sa inyong mga pamilya lalo na ang mga nagtatrabaho sa ibat-ibang mga bansa.

Ito na ang tamang panahon para huwag nating panghinayangan at katamaran ang pagbibigay sa inyong mga responsibilidad sa pagbabayad ng SSS na sa kalaunan ay sa inyo rin naman mapupunta pagdating ng takdang panahon.

At sana naman ’yung mga employers, huwag kayong magbingi-bingihan at maging bulag sa inyong mga responsibilidad sa mga trabahador nasa batas din na obligado na kalahita ng kanilang mga SSS contributions ay kayo ang magbabayad.

Hindi lamang yan, may iba pang social benefits na dapat kayong balikatin para sa inyong mga kawani tulad ng Pag-ibig at PhilHealth, mandatory po yan.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here