SocMed account ni Angel, ipapa-shutdown ng basher

0
123

HINDI masisisi ang mga artista kung pinapatulan na nila ang mga bashers na sobra nang tinatapakan ang kanilang pagkatao.

May ibang basher pa nagsasabing pwede pa nga raw nilang i-shutdown ang kanilang social media account.

Tulad na lang ng isang netizen na nag-Tweet kay Angel Locsin.

Pwede raw niyang i-shutdown ang socmed account ng Kapamilya actress at hindi raw niya magugustuhan ‘yun.

May post si Angel sa kanyang socmed na (as is) “sa mga (fake) accounts na hinaharass kami para manahimik, pasensya na po kayo at hindi kami magpapa-bully. You’ve created your worst nightmare 🙂 wala kayong power sa amin.”

May sumagot sa post ng humanitarian actress.

@cfmut: “Excuse me po? Really? Idol pa naman kita pero ang bb mo miss angel. Review your post Bb nyo and coco. Honestly. Pinagyayabang mo kasi that we can’t shutdown ur account. Pati accounts neo shutdown rin in a few days. You will regret it.”

Sinagot siya ng actress: “Is this a threat? Kasi lagot ka pag pinakita ko ang account mo sa NBI 🙂 Naka-gather na ako ng enough evidence na ikaw ang main suspect pag may nangyari sa account ko.”

Sa pagpatol ni Angel sinabihan siya ng ibang netizen na bully.

Pero may nagtanggol sa fiancée ni Neil Arce.

“Angel is not a bully. Bashers are the bullies. You have no contribution to the society. You only promote hate and anger. Shame on you guys!” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here