Home Business Solar energy pinasok na ng Ayala Corporation

Solar energy pinasok na ng Ayala Corporation

255
0
SHARE

PINASOK na ng Ayala Corporation ang pag-develop ng bagong teknolohiya sa solar energy sa pamamagitan ng paglalagak ng karagdagang investment sa kompanyang Merlin Solar Technologies Inc.

Umabot sa 78.2% ang share na ipinasok ng naturang kompanyan sa Merlin Solar Technologies noon pang 2016 at nakatakdang hawakan na nito ang kontrol sa kompanya.

Ayon sa Ayala Corp., pinapalawig nito ang negosyo sa mga teknolohiyang nakababago ng takbo ng industriya.

Matatagpuan sa San Jose, California ang headquarters ng Merlin na nagde-develop ng teknolohiya para mas mapaigi ang solar energy at nang magamit sa transportasyon at infrastructure.

Kinumpirma rin ng Ayala Corporation na magtatayo rin ng pabrika ang Merlin sa Pilipinas sa ilalim ng Integrated Microelectronics Inc. na pag-aari rin nila.

Paliwanag ni Ayala Corp. chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, naniniwala silang ang mga innovation na katulad nito ang huhubog sa kinabukasan kaya’t nagagalak sila dahil nagkaroon sila ng pagkakataong madagdag ang solar technology ng Merlin sa kanilang negosyo.

Taong 2016 ng maging pag-aari ng Ayala Corp. ang 8.2% ng Merlin at Setyembre 2017 nang pautangin ng Ayala ang dayuhang kompanya ng $1 milyon para sa operasyon nito.

SHARE
Previous articleBaguio’s Panagbenga Festival, dinumog
Next articleDavao Mayor Sara pinili ang pamilya kesa senadora
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here