Home National News Special lane para sa mga delegado ng SEA Games, itatakda sa NLEX...

Special lane para sa mga delegado ng SEA Games, itatakda sa NLEX at SCTEX

13
0
SHARE
Magtatakda ng special lane ang NLEX Corporation sa kahabaan ng 30th South East Asian Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019. Makikita rin sa larawan ang bagong gawang Ciudad de Victoria Interchange na tumatawid sa ibabaw ng NLEX sa Bocaue, Bulacan. (Kuha ni Shane Frias Velasco)

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Nakatakdang maglagay ng special lane sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) para sa mga delegado at mga organizers ng paparating na 30th South East Asian (SEA) Games.

Sa panayam ng Philippine Information Agency (PIA)-Bulacan kay Luigi Bautista, pangulo ng NLEX Corporation na siyang nangangasiwa sa operasyon ng dalawang magkadugtong na expressways, isang linya ang itatakda para maging mabilis ang pagbibiyahe ng mga delegado at mga organizers ng SEA Games.

Pormal na sisimulan ang SEA Games sa pamamagitan ng ingrandeng opening ceremony sa Nobyembre 30. Ito ay gaganapin sa Philippine Arena sa Ciudad de Victoria Tourism Enterprise Zone sa mga bayan ng Bocaue at Santa Maria sa Bulacan. Katabi ito ng northbound lane ng NLEX o sa direksiyon patungong Pampanga.

Kaugnay nito, ayon naman kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa kanyang pag-inspeksiyon sa NLEX, nakatakdang buksan ang bagong gawang Ciudad de Victoria Interchange na magsisilbing gateway papasok at papalabas sa Philippine Arena.

Samantala, ayon pa kay Bautista, minamadali na rin ang konstruksiyon ng Bamban Interchange sa Tarlac. Pinondohan ito ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) upang magsilbing derechong daan papasok at palabas sa New Clark City sa may Capas, Tarlac kung saan matatagpuan ang mga pangunahing venues ng SEA Games.

Mananatiling bukas ang special lane sa NLEX a SCTEX sa buong panahon ng pagdadaos ng SEA Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.

Source: PIA-Bulacan

SHARE
Previous articleKatatagan ng istraktura ng Candaba Viaduct sa mga lindol, tiniyak
Next articleLazatin exposes illegal meat shop in Angeles
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here