Spirit of Bayanihan ng SM Foundation, kaagapay ng bawa’t Filipino

0
144
An opinion column by Louie C. Angeles

SA tuwing may nararanasan tayong kalamidad ay laging nariyan ang SM Foundation Inc. Lagi silang handang tumulong sa bawa’t mamamayang biktima ng anumang kalamidad tulad ng bagyo at lindol at agad silang nagkakaloob ng tulong o ayuda saan mang bahagi ng ating bansa.  

Ilang dekada na ang nakalipas na naging kabahagi din ako sa lahat ng outreach program ng SM Foundation, kung saan nadama ko ang masidhing pagtulong hindi lang sa biktima ng kalamidad, kundi maging sa mga magsasaka sa iba’t-ibang probinsya. Kanilang binigyan ng makabagong kaalaman sa pagtatanim ng gulay at kapag panahon na ng pag-aani ng gulay ay SM Foundation Inc. na rin ang gumagabay kung paano mabebenta ang naturang mga gulay.  

Maging sa mga kabataang alang kakayahang mag-aral sa kolehiyo ay nariyan pa rin ang SM Scholarship Program kung saan ang bawa’t application na maging scholar ay dadaan sa matinding eksaminasyon. Pati ang mga gamit ng isang estudyante at tuition fee sa four-year course ay sagot ng naturang foundation.

Marami nang natulungan ang SM Scholarship Foundation na mga mahihirap na mag-aaral na ngayon ay empleyado na ng SM sa kanilang mga kompanya.  

Dahil pinamimili naman ng SM Foundation ang kanilang mga nabigyan ng scholarship at maka-graduate sa apat na taong kurso at pagkatapos ay malaya naman silang mamasukan sa ibang kumpanya o sa SM nalang.  

Hindi gawang biro ang ginagawang pagtulong ng SM sa ating mga kababayan dahil talagang nasa puso ng pamilya Sy ang pagtulong sa ating mga kapwa Pilipino.

Bagama’t malaki na rin ang pinagsamahan namin ng mga namumuno sa SM Foundation Inc. Lalo na ang magkapatid na Connie Angeles at Cristie Angeles ay iisa ang aming damdamin kundi ang makatulong kaya naman hindi na biro ang trabaho sa public service.

Ganun kataas ang ating papuri sa ginagawang pagtulong ng SM Foundation Inc., sa lahat ng ating mga kababayan sa tuwing mayroong kalamidad na tumatama sa ating bansa.

Kaya nararapat lang na higit pa nating tangkalikin ang lahat ng branches ng SM saan man sa buong bansa at Asian country.

Ibinabalik na SM ang ang kanilang kinikita sa pamamagitan ng pagtulong tulad kanilang scholarship program para sa mga kabataan at mga ayuda sa mga magsasaka na patuloy ang ginagawang paggabay upang mabigyan ng makabagong kaalaman sa pagtatanim ng gulay at iba pang pangkabuhayan. (RONDA BALITA Online)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here