Sports activities mahalaga sa working media

0
185
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

LUBHANG importante ang sports activities sa mga masisipag na mamamahayag lalo na ang mga peryodistang subsob sa trabaho at nalilimutan nang magbatak ng kani­lang mga katawan.

Mahalaga kasi ang sports activity sa tulad nating mamamahayag dahil ang pagpapapawis ay mabuti sa kalusugan lalo na kung nagkakaedad na at may maintenance medicine na rin para sa high blood pressure.

Ang paglalakad ng kalahating oras kada araw ay mabuti para kalusugan. Sa pamamagitan ng paglalakad, mabilis na nasusunog ang maraming calories na nakaimbak sa katawan kaya ang mga atleta ay malayo sa sakit na diabetes at napapanatili kasi nila ang regular bp at cholesterol level.

Ang pangulo ng Bulacan Press Club Inc., na si Erick Silverio, ng Manila Times/Centro News, ay may proyektong bowling tournament para sa mga kasapi ng BPCI. Bahagi ito ng camaraderie ng mga kaanib ng BPCI at para na rin sa mga kasapi ng samahan na nalilimutan na ang sport activity.

Pero hindi ito basta palaro dahil may premyong nakalaan sa mga mananalong team. Ang first price ay 15k para sa team na mangunguna at mayroon ding premyo sa 3rd at 2nd placers, bukod pa ang special prices para sa ibang categories.

Anim na team ang maglalaro kaya ikinundisyon nang mabuti ng bawat team ang kanilang mga katawan para maging handa sa torneo. Sabi nila malakas daw ang red team, pero hindi magpapatalo ang aming grupo, ang white team.

Si pangulong Eric Silverio ay nakabilang sa blue team, kaya magandang laban ito. Sila Corsini, Eloisa, Roseth, Verna at Tony Arcenal ay nakapagpraktis na rin, pero nauna kaming nagpraktis ng bowling nina Manny Balbin, Eric. Rommel, Eloisa at Roseth.

Minsanan lang kung magpalaro ang BPCI, pero masaya naman kami press club dahil ang pagsasama-sama ng minsan sa loob ng dalawang taon sa pama­magitan ng sportsfest. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here