Star Magic artists nagbigay ng thanksgiving party sa entertainment press

0
485

TAUN-TAON ay hindi nakakalimot ang Star Magic Artists na magbigay ng Thanksgiving party sa mga press people.

‘Yun ang way ng mga talent ng Star Magic para magpasalamat sa mga manunulat kung saan ang namahala ng thanksgiving party ay ang PR head na si Ms. Tess Gubi.

Ipinagmamalaki ng Star Magic na ang kanilang mga talent ay laging may mga proyekto. Lalo na ngayong Metro Manila Film Festival. Katunayan sa walong filmfest entry ay pito sa pasok na movie ay kasama ang kanilang mga artist.

Tulad ni Jake Cuenca na pinakakontrabida sa movie ni Coco Martin, Ang Panday bilang si Lizardo. Nasa movie rin sina McCoy de Leon, Elisse Joson, PJ Endrinal at ang batang si Onyok Pineda.

Si Daniel Padilla na isa sa bida sa Gandarrapiddo. The Revenger Squad. Kasama rin si Loisa Andallo at EJ Falcon.

Lead actor naman si Jericho Rosales sa Siargao kapareha si Erich Gonzales, ang GirlTrends member na si Mika Javier sa direksyon ni Paul Soriano. Ka-love-triangle sa movie si Jasmin Curtis-Smith.

Horror naman ang movie nina Jane Oineza at Maris Racal, ang Haunted Forest. Kasama si Miho Nishida at ang ilang members ng Hashtags na sina Jon Lucas at Jameson Blake.

Nasa Meant To Beh naman sina Sue Ramirez, Daniel Matsunaga at Thou Reyes.

Si Paulo Avelino at Rayver Cruz ay parte naman sa adaptation musical stage na Ang Larawan. At ang Star Magic Angels’ naman na si Hannah Ledesma ay nasa MMFF entry rin nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na All Of You.

Palibhasa mahuhusay umarte ang mga Star Magic Artists kaya hindi sila nawawalan ng proyekto. Isama na rin natin ang mga mahuhusay nilang singers na kahit saang mundo ay hindi nawawalan ng show.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here