Star Magic Talent na gf ni Jimuel, makasarili

0
60

MALAKING bagay kung ang karelasyon mo ay mula sa kinikilalang pamilya.

Napag-uusapan kahit hindi pa naman kasikatan bilang isang artista.

Tulad na lang nitong si Arabella del Rosario na isang Star Magic Talent, mula nang na-link ang kanyang name kay Jimuel Pacquiao, nagkaroon siya ng chance na mapag-usapan sa showbiz circle.

Knowing na si Jimuel ay ang anak nina Jinkee at ng atletang senador na si Manny Pacquiao.

Si Arabella ang ikalawang girlfriend (as far as we’ve known) ni Jimuel after the young actress Heaven Peralejo.

May mga intrigang kinasangkutan si Heaven magmula nang maging sila ni Jimuel.

Sa panayam kay Arabella, sinabi niyang may agreement na raw sila ng boyfriend. Handa raw siya sa mga isyung ibabato sa kanya ngayong inamin na ang relasyon sa eldest son ng Pambansang Kamao.

Hindi naman daw siya aware sa mga isyu noon kay Heaven na inalmahan naman nito.

“Napag-isipan ko na rin yun. Ready na rin naman ako kasi like I said, kung di naman totoo, bakit ka naman magiging affected,” sey ng 19-year-old young star.

Na-meet na rin daw niya ang parents ni Jimuel several times na maging ang mga siblings ng boyfriend.

Tanggap daw ng kanyang ina ang kanilang relasyon.

“Tanggap naman ni Mommy kasi nagpaalam naman si Jimuel sa mommy ko kung puwede akong ligawan.

“He spent naman a lot of times with my family. Lahat na-meet na niya and okey sa kanila. So wala namang problema,” kuwento pa ni Arabella.

Napaka-vocal ng young star sa relasyon nila ni Jimuel.

Sabi nga ng mga netizens, mukhang very proud talaga ang Star Magic talent na siya ang girlfriend ni Jimuel.

Esplika nga niya, “Napag-usapan na naman ni Jim yung bagay na ito. Para sa amin sure na pag you know mahal ninyo ang isa’t isa, siyempre gusto ninyo naman na ipagmalaki, na di naman i-deny.

“Parang for us, our relationship is private but it’s not a secret.”

Kaya lang parang may pagka-selfish daw ang baguhang young star, gusto niyang sila na lang ang magka-loveteam ni Jimuel.

“Sana kami na lang ang magka-love team,” lahad niya.

O di ba, umpisa pa lang gusto niya hindi na malink sa  iba ang anak nina Jinkee at Senador Manny. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here