Sue Ramirez umaasam na magkakabalikan sila ng bf

0
356

SA ‘Tonight With Boy Abunda’ inamin ni Sue Ramirez na break na sila ng BoybandPH boyfriend na si Joao Constancia:

“Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko. Just recently Tito Boy. Joao and I parted ways po.”

Two years daw ang tinagal ng relasyon nila ni Joao.

Eksplika ng Kapamilya actress, “Mahirap siyempre nasanay ka na nandiyan yung

tao. Pero ang daming differences kasi Tito Boy. Maraming bagay na hindi kami napagkakasunduan.”

Dugtong pa ni Sue, “We really wanted it to work, pero pag hindi po talaga, hindi po talaga e.”

Paliwanag pa ni Sue na kahit break na sila ng singer, ay walang naman daw bad blodd na namamagitan sa kanilang dalawa.

“Kung makikita niyo po kami na magkausap, nagko-converse pa rin kami sa isa’t isa. Nagla-like pa rin kami ng mga post ng isa’t isa, yun po ay dahil maayos po ang naging usapan namin,” saad pa ni Sue.

Kahit sinasabi ni Sue na hiwalay na sila ni Joao halata sa sarili nito na may pagmamahal pa rin siya sa binate.

Sa katunayan hindi naman daw niya sinasara ang pinto kung magiging silang muli. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here