Home Senyor Latigo Sulat ng ama at ina sa kanilang anak na nag-aaral!

Sulat ng ama at ina sa kanilang anak na nag-aaral!

181
0
SHARE
Opinion Column by Archie Jimenez

BAGAMA’T matagal ko nang nababasa ang tungkol sa isang sulat ng isang mapagmahal na ama at ina sa kanilang anak na nag-aaral ay ngayon ko lamang nabigyan ito ng pagpapahalaga.

Dahil ito na ang tamang panahon para maiparating sa ating mga mag-aaral ang tunay na mensahe ng liham ng magulang sa kanilang mag-aaral na anak dahil sa nalalapit na naman ang pasukan sa kolehiyo.

Narito ang kabuuang nilalaman ng liham:

Dear Anak,

Naipadala na namin yung P50,000 na pambayad sa tuition fee mo sa second semeste. Ipinagbili na yong kalabaw natin. Ang mahal pala ng “counter strike” na kurso.

Wala na rin tayong baboy, naipagbili na rin namin para sa sinasabi mong project, yung Nokia N75. Anak, ang mahal naman ng project mo.

Kasama na sa ipinadala namin ‘yung baon mo para sa field trip sa Mall of Asia. Malayo ba yun? Bakit ang mahal din?

Isinanla na namin yong palayan para mabili na yong instrumento mong video Ipod.

Napailaw n’yo na ba yong pinagpupuyatan ninyong San Mig Lights?

Isinama na rin namin yung natitirang ipon para sa libro mong “Facebook”.

Basahin mo ito ng maigi. Sana mag-graduate ka na at nang makaraos tayo sa hirap at mabayaran ang mga utang at mabawi ang bukirin natin.

Mahal na mahal ka namin anak.
Love,
Nanay at Tatay

Nang mabasa ko ang liham na ito ay masyadong nabagbag ang aking kalooban.

Naisip kong napakalapit ng mga nilalaman ng liham na ito sa totoong pangyayari sa tunay na buhay.

Bagama’t may nagsasabing ang liham na ito ay kathang isip lamang.

Kaya may ilang nakabasa na nagagawang matawa sa mga nilalaman ng sulat.

Na naging kaiba naman sa aking naramdamang pagtanggap matapos ko itong mabasa.

Dahil sa mararamdaman natin sa liham na ito kung gaano kahirap ang kalagayan ng isang taong walang pinag-aralan at kapos sa kaalaman.

Na sa kabila ng kanilang mga kamangmangan ay nakahanda silang gawin ang lahat para huwag maranasan ng kanilang minamahal na mga anak ang kanilang pagiging mangmang.

Handa ang mga magulang na mawala ang lahat ng kanilang mga kabuhayan at isakripisyo maging ang kanilang buhay maibigay lamang ang lahat ng uri ng suporta para sa pag-aaral ng kanilang mga minamahal na mga anak.

Ang nakalulungkot nga lamang ay meron talagang iilan-ilang mga anak ang gumagawa ng mga panloloko sa kanilang mga magulang.

Ang masakit pa dito ay kung sino pa nga iyong mga anak mahirap ay siya pang nakagagawang manloko ng kanilang mga magulang para lamang masunod ang kanilang mga luho at bisyo.

Na sa halip na gamitin ang mga perang isinusuporta sa kanila ng kanilang mga magulang ay ginagastos nila itong panghikayat sa kanilang mga kaibigan at mga kaklase para lang sa kagustuhang huwag siyang ma-out of place.

Pabintang na lahi sila ng mayaman o feeling rich.

Sa puntong ito ay gusto kong manawagan sa ating mga estudyante na mahihirap na pahalagahan ang lahat ng mga sakripisyong ginagawa ng inyong mga magulang.

Huwag ninyong pagsamantalahan ang kanilang mga kamangmangan at kakapusan sa kaalaman.

Na sa kabila ng dinaranas nilang mga paghihirap ay buong tapang nilang isinakripisyong mawala ang lahat ng munti nilang dapat ay ikabubuhay, para lamang sa inyong mga pag-aaral.

Nang sa ganon ay hindi kayo mangatulad sa kanilang nagagawang mapagtawanan ng kanilang kapwa dahil sa kanilang kamangmangan.

At yan ang dahilan kung bakit pilit kayong minamahal na mga anak na sukdulang kanilang igapang para lamang maipamana ang tunay na karunungan at hindi kamangmangan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here