Home Simple Lang Sulyap sa ilang eksena sa Unang Kongreso ng Malolos

Sulyap sa ilang eksena sa Unang Kongreso ng Malolos

18
0
SHARE

MATAPOS na ipahayag ang kasarinlan ng Plipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898, ay nagsimulang magkaroon ng mga pagbabago ang gobyerno ng Pilipinas mula sa dating umiiral na diktaduryang pananakop at pamamahala noon ng Espanya.

Sinasabi sa tala ng kasaysayan, na kaagad na Isinagawa ang halalan ng Kongreso ng Malolos sa pagitan ng Hunyo 23 at Setyembre 10, 1898 at noong Setyembre 15, 1898, ay nagsagawa ng pagpupulong ang rebolusyonaryong kongreso sa loob ng makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Malolos, upang pormal na buksan ang kauana-unahang kongreso kung saan ang naihalal na Pangulo nito ay si Pedro Paterno at Ikalawang Pangulo naman si Gregorio S. Araneta.

Noong ika- 29 Setyembre 1898, ay ipinagtibay ang pagpapahayag na ang Hunyo 12 ang siyang araw ng Kalayaan ng Pilipinas, at pagkaraan nito ay nagpasiya ang Kongreso ng Malolos na bumuo ng mga ipatutupad na Saligang Batas, na sinasabing tinutulan naman ni Apolinario Mabini, na siyang punong ministro ng pamahalaang rebolusyonaryo o Pangulo ng Konseho ng Pamahalaan.

Ang nabuong Konstitusyon ng Malolos Congress ay ipinagtibay noong ika- 29 ng Nobyembre 1898, at nilagdaan bilang batas noong ika-23 Disyembre, 1898 at inaprubahan naman noong ika-20 Enero, 1899, sa kapahintulutan na rin ni Heneral Emilio Aguinaldo, na siyang Pangulo noon ng bansang Pilipinas at nilagdaan ito noong Enero 21 at ipinatupad naman mga nabuong batas kinabukasan, Enero 22, 1899.

Isinasaad sa mga ipinatutupad na batas na ang mga mamamayan ay may natatanging soberanya at mga pangunahing karapatang pantao. Ang paghihiwalay ng simbahan at ng estado, at ang tumatawag sa pagbubuo ng Asembleya ng mga Kinatawan o Pambansang Asembleya na siyang gaganap bilang mga sangay ng lehislatibo.

Ayon pa sa naitalang kasaysayan, Kabilang sa may 85 mga delegado na nagtipon sa Malolos Congress ay 43 mga abogado, 17 mga manggagamot, limang mga parmasiyotiko, tatlong mga guro, pitong mga negosyante, apat na pintor, tatlong mga sundalo, apat na mga magsasaka at isang pari.

Sinasabi rin sa mga naipong tala ng kasaysayan ng Unang kongreso ng Malolos, na apat sa 85 mga delegado ang hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Mahuhay ang Unang Kongreso ng Malolos. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBangayan ng mga politiko sa gobyernong-Pinoy, parang mga artista sa sarsuela
Next articleSM Hypermarket holds food fest in Baliwag
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here