Home Showbiz Sunshine Cruz inalmahan ang basher dahil sa anak!

Sunshine Cruz inalmahan ang basher dahil sa anak!

21
0
SHARE

UMALPAS na ang galit ni Sunshine Cruz sa mga bashers ng kanyang anak na si Samantha.

Nakikita kasi in public sina Sam at ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri na laging magkasama. Kasama rin nila ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Sa IG account ni Sunshine ay may screenshot siya pinost na may user ID @myluvkycine.

Message niya, ‘Hey girl, magkikita ulit kayo ni kyle echarri bukas. Who’s kylie dating right now you or lorin.’

May pahabol si @myluvkycine, ‘Kayo sisira sa career ni Kyle hahaha lalandi niyo manang-mana kayo sa nanay niyo hahaha alam niyo may ka-loveteam na si kyle lagi pa din kayo nagkikita.’

‘Mana ka sa nanay mo bold star malandi malandi ka kayo ni lorin.’

Hindi nagustuhan ng fans ni Kylie ang pagiging magkaibigan ng dalawang bagets.

Pinagsasabihan pa ng netizen nang hindi magagandang salita ang anak nina Sunshine at Cesar Montano.

Ang tinutukoy na ka-loveteam ni Kyle ay si Francine Diaz sa Kadenang Ginto kung saan magkasama si Francine at Kyle.

Sinagot ni Sunshine ang basher na bumabatikos sa kanyang anak.

“Why are you guys attacking my daughter @samcruzm? Mag-ingat ka @myluvkycine. Kyle Echarri and my daughter are friends only! Pati ako talga dinamay mo. @kyleecharri,” mensahe ng actress.

Pinagtanggol din ni Sunshine si Kyle. Aniya, ‘Kyle is a nice boy! My daughter is only 15. Magkaibigan lang po sila. Part ng barkada.’

Eh, ano naman kaya ang masasabi ni Ruffa sa patutsada rin ng basher sa kanilang mag-ina

Well, let’s wait and see!!! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleAlden at Lisa ng Blackpink Group, hawak-kamay na naglalaro ng Ragnarok
Next articleYen Santos may posibilidad na magmahal ng LGBT
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here