Sunshine Cruz sinopla ang dating kasamahan sa ‘That’s

0
221

NANGGAGALAITI sa galit si Sunshine Cruz nang mag-name names ang dating member ng ‘That’s Entertainment’ na si Chuckie Dreyfus na naging girlfriend niya umano ang actress.

Isa ang pangalan ni Sunshine na nabanggit ng dating actor sa isang segment ng noontime show na naging ka-on daw niya ng mga seven months.
Pinalagan ni Sunshine ang tinuran ni Chuckie.

Na-interbyu si Sunshine ng aming colleague thru her messenger.

Aniya: “In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news. That’s not going to be of any help at all.”
Ayon pa sa actress ng ‘Love Thy Woman.’

“Nawindang ako! I am being bombarded since yesterday by people. I was 14-15 years old when I joined That’s Entertainment. Batang-bata!

Pagdidiin pa ni Sunshine: “There was no US! Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo. Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga? Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo?

“A real man will never say such lies on national TV! Kina macho mo naman ba yan?! Lol!” ani pa Sunshine sa kanyang FB page.

Sinabi pa ng Kapamilya actress na tanging ang ex-husband na si Cesar Mantano lang daw ang naging una niyang boyfriend.

“For the record, my ex-husband was and will always be my first bf.

“Wag na mag-claim ang iba dyan. Tanda na natin. Sana nakuha mo gusto mong atensyon sa ginawa mo. Diosmio!”

Hindi lang si Sunshine ang binanggit ni Chuckie kundi maging si Jessa Zaragosa.

“I don’t want people to accuse me of lying because of what he said. If he really had 10 girlfriends before, he should have mentioned the real ones. Spare me and Jessa,” pagtatapos ni Sunshine. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here